Barbie at Mika marami agad ‘meme’
Joe Barrameda (Pang-masa) - January 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa man nagsisimulang umere sa primetime, mainit ng pinag-uusapan ang upcoming serye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz na Kara Mia. Kwento ito ng magkapatid na Kara (Barbie) at Mia (Mika) na pinanganak na may Disprosopus or craniofacial duplication, isang congenital defect kung saan mayroon silang dalawang mukha pero mayroon lamang na isang katawan. Sa katunayan, iba’t ibang memes na nga ang nagkalat online patungkol sa programa. Maging si Mika ay naintriga sa concept ng kanyang bagong show sa GMA. “Well sa totoo lang nakakaintriga naman kasi talaga and it also took us awhile to get used to the idea. We found it quite creepy also at first but when you go deeper into the story dun mo maaappreciate eh. It’s special, it’s unique at naniniwala akong makikita din nila yun.”

 

Kaya naman todo abang na ang fans sa nalalapit na pagsisimula ng Kara Mia kung saan makakapareha nina Barbie at Mika sina Jak Roberto at Paul Salas.

Yasmien nagbabalik sa Hiram...

May bagong aabangan ang loyal fans ni Yasmien Kurdi dahil siya ang bi­bida sa upcoming serye ng GMA na Hiram na Anak. Matapos ang kanyang top-rating advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, muling pinagkatiwalaan ng Kapuso network ang magaling na aktres para sa proyektong ito.

Makakasama ni Yasmien sa programa sina Paolo Contis, Dion Ignacio, Lauren Young, Maey Bautista at Leanne Bautista.

Ang Hiram na Anak ay sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada, Jr.                       

BARBIE FORTEZA MIKA DELA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with