Fans ni Heart may suspetsa sa China Rich Girlfriend
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 11, 2019 - 12:00am

Madalang makita si Heart Evangelista na naka-sneakers o rubber shoes, kaya big deal sa followers niya sa social media ang post ni Heart na photo habang nasa Shanghai siya na nakasuot ng sneakers.

 

May isang friend si Heart na tuwang-tuwang ma­kita siya in sneakers, pero sagot ni Heart, “only here”.  

Anyway, hindi pa rin sinasagot ni Heart ang mga tanong kung ano ang ginagawa niya sa China, at kung may kinalaman ba ito sa shooting ng sequel ng pelikulang Crazy Rich Asians na China Rich Girlfriend.

Maaalalang nag-audition si Heart para sa unang CRA, hindi lang siya nakasama sa cast ng movie kaya malay nating lahat at sa China Rich Girlfriend siya isinama ng mga producer. May hula na nga ang supporters ni Heart kung anong role at character ang gagampanan niya sa movie at bagay daw sa kanya ang role ni Colette Bing.

Clint biglang naging active

May lumabas na balitang break na sina 2019 Miss Universe Catriona Gray at boyfriend niyang si Clint Bondad September last year, pero sa interview kay Catriona ng hosts ng Good Day, wala siyang binanggit na break up.

Tinanong ng isang host si Catriona kung sino ang makakasama ni Clint habang nasa New York siya and performing her duties as Miss Universe. Binanggit pa ng host na “very cute” ang boyfriend niya.

“Really, I just want to focus on the year ahead. Thankfully, he’s very understanding,” sagot ni Catriona.

Hindi naman maghihintay lang si Clint sa isang sulok habang busy si Catriona sa pagiging Miss Universe. May sarili siyang career at dahil nadadalas ang guesting sa Unang Hirit, baka maging regular co-host na siya ng morning show.

As for Catriona, after her reign, may mga naghihintay ng movie offer sa kanya. Isa si Bong Revilla sa nagpahayag na gusto niyang makatambal ang Miss U sa movie.

Klea napisil na muse

Si Klea Pineda lang sa Kapuso stars ang napasama sa muse nang magbubukas na PBA 44th season sa Linggo. Kasama sa cast ng Ika-5 Utos ang muse ng Alaska Milk, kaya isa siya sa mga rarampa sa court ng Philippine Arena.

Ilan pa sa muse ng PBA Season 44 sina Sharon Cuneta for Magnolia, Michelle Gumabao for Blackwater, Kylie Versoza for San Miguel, Alyssa Valdez for NLEX, Yam Concepcion for Phoenix at Pia Wurtzbach for Ginebra.

Speaking of Klea, malapit nang matapos ang Ika-5 Utos at siguro naman, hindi patatagalin ng GMA-7 na bigyan ng kasunod na project ang aktres.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with