Anak nina Paolo at LJ sagana sa sikat ng araw!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 10, 2019 - 12:00am

Nakauwi na ng bahay si LJ Reyes at ang kanyang bagong silang na anak na si Summer Ayanna.

Si Paolo Contis ang katulong ni LJ sa pag-aalaga sa kanilang panganay na anak.

Doting father si Paolo dahil siya ang in charge sa pagpapa-araw kay Summer tuwing umaga.

Kinakantahan pa ni Paolo ang bagets habang ibinibilad niya sa sikat ng araw na sagana sa Vitamin D.

Pareho nang matured sina Paolo at LJ nang dumating sa buhay nila si Summer kaya naniniwala ako na lalong magiging matatag ang pagmamahalan ng dalawa dahil sa kanilang anak na bunso.

Kasal na lang ang kulang para makumpleto ang kaligayahan nina LJ at Paolo at sana, mangyari ito sa lalong madaling panahon.

Alden at Maine madalas magbulungan!

Halata naman na mas maganda ngayon ang relasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza na madalas na nahuhuli ng mga camera ng Eat Bulaga na nagkukuwentuhan at nagbubulungan sa kanilang unguarded moments.

Hindi nagkukuwento si Maine kay Alden ng mga nangyayari sa kanyang personal life pero kung magkukuwento siya, sinabi ni Alden na handa ito na makinig at kung kailangan ng advice, bibigyan niya ng payo ang ka-loveteam.

Marami pa rin ang humihiling sa GMA-7 management na bigyan na uli ng television series sina Alden at Maine.

Sabik na ang AlDub fans na mapanood ang idols nila sa isang teleserye o pelikula.

True naman ang sinabi ni Alden na parehong nakatulong sa kanila ni Maine ang pansamantala na paghihiwalay ng loveteam nila dahil lalong nasabik ang fans.

Technically, hindi naman nabuwag ang AlDub kahit ipinareha si Maine kay Coco Martin dahil magkasama pa rin sila ni Alden sa Eat Bulaga.

Jose tinutulungan sa pelikula nila Vic!

Nagbukas sa mga sinehan noong January 8 ang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo, ang launching movie ni Jose Manalo.

Hindi nagkukulang si Jose sa paalaala sa lahat na tangkilikin ang Boy Tokwa dahil maganda at kapupulutan ng aral ang pelikula niya na base sa tunay na buhay ang kuwento.

Bongga si Jose dahil hindi lang siya ang nagpo-promote ng Boy Tokwa. Super promote din ang kanyang mga co-host na sina Vic Sotto at Joey de Leon, pati na ang Dabarkads ng Eat Bulaga.

Rehab sa Manila Bay sisimulan agad!

Agree ako sa aksyon ni President Rodrigo Duterte na isailalim sa rehabilitation ang Manila Bay.

It’s about time na linisin ang Manila Bay na dapat ingatan at alagaan dahil makikita dito ang famous sunset.

Nagbigay ng babala si Papa Digong na ipasasara niya ang mga hotel at business establishment na source ng mga dumi sa Manila Bay.

Kung nagawa ni Papa Digong na linisin ang Boracay, bakit hindi ang Manila Bay?

Imagine, sa rami ng mga naging pangulo ng Pilipinas, si Papa Digong lang ang nakaisip na i-rehabilitate ang makasaysayan na Manila Bay na paboritong pasyalan noong malinis pa ito dahil talagang sariwang hangin ang malalanghap.

Immortalized noon sa maraming pelikula ang Manila Bay dahil dito kinukunan ang mga eksena bilang napakaganda ng lugar noong hindi pa ito binababoy ng mga walang disiplina na Pilipino.

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with