^

Pang Movies

James at Michela na-fake news, anak na babae pinabinyagan pa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
James at Michela na-fake news, anak na babae pinabinyagan pa

Palpak ang mga pinakakalat na tsismis ng mga trolls na diumano ay malabo na ang samahan nina James Yap at Michela Cazzola. In fact, noong Linggo, January 6, pinabinyagan pa nila ang kanilang bunsong anak na si Francesca Michelle sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati.

Wala naman daw masyadong bisitang dumating sabi ng ilang tao sa simbahan. Mukhang mga malalapit na kaibigan lamang nila ang naroroon, pero makikita mo raw na masayang-masaya naman sina James at Michela kaya nga masasabi naming hindi totoo ang tsismis.

Si Francesca Michelle rin ang nag-iisang anak na babae ni James. Iyong panganay nila ni Michella, si MJ ay lalaki, at ganoon ang anak ni James sa iba pa.

Kailan naman kaya ang pagpapakasal nina James at Michela?

Matapos pasalamatan sa Golden Globes, Darren Criss pinag-interesan

Nagulat kami nang banggitin ni Darren Criss, ang nanalong Best Actor sa Golden Globe Awards para sa movies for TV, na inihahandog niya ang kanyang napanalunang award sa kanyang ina na isang Filipina mula sa Cebu. Sinabi pa niya alam niyang nanonood ang ermat niya sa live telecast ng awards.

Marami tuloy ang naging curious, sino nga ba ang nanay ni Darren Criss?

Nalaman namin later on na ang nanay ni Darren ay si Cerina Bru. Siya ay may dugong Pinay, Kastila at Tsino. Pero simula pa noon ay naninirahan na sa US kung saan ipinanganak na rin si Darren. Nakakatuwa lang na nabanggit ni Darren ang ermat niya, at kinilala niyang iyon ay mula sa Cebu at isa ngang Filipina. Palagay namin, hindi na rin legally Pinay ang nanay niya dahil sa tagal na nila sa US at kasal nga siya sa kanyang asawa na isang kano. Ang nanay ni Darren ay isa palang financial adviser din sa US.

Si Darren ay nanalo nang gampanan niya ang role ng isang serial killer na half Pinoy din, si Andrew Cunanan. Kung natatandaan ninyo, siya iyong sinasabing serial killer na pumatay sa sikat na Italian fashion designer na si Gianni Versace. Kasama sa nasabing edition ang sikat na singer na si Ricky Martin na gumanap bilang si Antonio D’ Amico, ang long time boyfriend ni Versace. Nandoon din si Penelope Cruz bilang Donatella Versace. Ang gumanap na Gianni Versace sa nasabing edition ay si Edgar Ramirez, isang actor na mula naman sa Venezuela.

Aywan pero nang mapanood nga naming binati at inihadog pa ni Darren ang award sa kanyang ina na isang Cebuana, nakaramdam kami ng tuwa. Kano nga si Darren, pero ipinagmamalaki niya na isang Pinay ang kanyang ina, at may dugong Pinoy din siya.

Mga nanonood ng sine mas wais na

Umaga pa lang kahapon, may mga tao na namang malulungkot ang mukha, dahil batay sa first screening pa lamang sa mga sinehan, mukhang walang hit movie kahapon. Taliwas iyan doon sa inaasahan nila na may magiging malaking hit, pero hindi sila napansin dahil mukhang ang atensiyon ng mga tao ay nasa kapistahan ng Nazareno sa Quiapo.

Isa pa, ang mahal na nga ng ba­yad sa sine, at alam naman ng mga tao kung ang pelikula ay ginas­tusan o hindi. Mahirap mo nang mabola ang mga tao ngayon, na natural lang namang maging wise na sa pera nila.

Sa hirap nga ba naman ng buhay ngayon eh.

vuukle comment

DARREN CRISS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with