^

Pang Movies

Zia mahilig nang mag-explore

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Zia mahilig nang mag-explore
Zia Dantes

Nakaabang ang bagong endorsement ni Zia Dantes ayon na rin sa pahaging ng inang si Marian Rivera sa post niya sa Instagram ng litrato ng panganay na anak at sa caption nito.

“Pag three years old na, makulit daw? Mukha naman! Love niyang mag-explore eh! Kaya masaya kami na may ka-partner kami helping keep Ate Zia protected. Abangan niyo...@Basta3YearsNa,” caption ni Yan.

Naku, sa endorsements ni Zia, siya na siguro ang pinakabatang milyonarya na anak ng celebrity dahil ilang buwan matapos siyang ipanganak eh, may endorsement na siya kasama sina Dingdong (Dantes) at Marian, huh!

Sharon magkaka-chance na kay Gong Yoo

Fully-loaded sa directorial job si Erik Matti. Sabay niyang tinatapos ang On The Job 2 nina Dennis Trillo at John Arcilla, at Kuwaresma ni Sharon Cuneta under Reality Entertainment nila ni Dondon Monteverde.

Si direk Erik din ang gusto ni Judy Ann Santos na director ng dalawang movies na gagawin niya under Rea­lity.

Ang isang pinaghahan­daan ng Reality ay ang pelikulang isu-shoot sa South Korea. Nabalitaan naming ang bida sa pelikula ay si Gong Yoo na nagbida sa blockbuster na Train To Busan, huh!

Naku, hihimatayin si Sha­wie kapag pinapasyal siya ni direk Erik once naisara na ang movie with Gong, huh!

Yasmien laglag sa Descendants

Bigo si Yasmien Kurdi na mapabilang sa cast ng Pinoy version ng Korean drama na Des­cendants of the Sun. Eh nang malaman ng Kapuso actress na gagawin ito ng GMA, shout out agad siyang gusto niyang map abilang sa Filipino cast nito.

Eh, binigyan kasi si Yasmien ng bagong series na ang title ay Hiram na Anak at isa sa makakasama niya ay si Paolo Contis.

Huling napanood si Yasmien sa GMA afternoon drama na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

vuukle comment

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with