^

Pang Movies

Dalawang tibo na nagmahalan, tampok sa Magpakailanman

Pang-masa

MANILA, Philippines — Huwag palampasin ngayong darating na Sabado (January 12, 2019) pagkatapos ng Daddy’s Girl ang naiibang kwento ng pagmamahalan sa Magpakailanman.

Si Bogs ay presidente ng isang gang sa Tondo. At si Bebet ay presidente naman ng isa ring grupo sa Caloocan. Pareho silang lesbian kaya madalas ang enkwentro ng dalawang grupo kapag may trespassing sa lugar.

Pero dahil sa lagi silang nadadala sa presinto, nagkaroon ng pag uusap ang dalawang grupo na ihinto na ang mga gulo. Nagkasundo na si Bogs at Bebet. Nang tumagal ay naging mag-best friends pa sila. Kapwa sila may mga sariling karelasyon na babae.

Naging madalas ang pagpunta ni Bebet sa bahay ni Bogs at sa lahat ng mga barkada ni Bogs, panatag ang loob ng magulang nya kay Bebet dahil sa mabait daw ito at magaling makisama.

Hanggang sa isang gabi sa kanilang inuman, nalasing silang pareho, hinalikan ni Bogs si Bebet habang tulog ito. Nang dahil sa pangyaya­ring ito ay nag-iwasan sila. Pero di na mapigilan ang damdamin ni Bogs kay Bebet. Kaya’t pinaglaban ni Bogs si Bebet hanggang sa nahulog na rin ang damdamin nito sa kanya.

Nagdulot ng malaking gulo iyon dahil hindi nila akalain na magkaka-inlaban ang dalawang lesbian.

Umabot ng 15 years ang kanilang pagsasama ngunit nagkahiwalay rin sila. Na-meet naman ni Bogs si Lando sa trabaho. Na-attract ang lalaki kay Bogs dahil mahilig pala ito sa sigang babae. Tanggap niya ang nakaraan ni Bogs. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Hanggang sa nalaman ni Bogs na may terminal cancer na pala si Bebet kaya’t inalagaan pa rin nya ito hanggang sa namatay.

Ang Confessions of a Lesbian Mother, the Maria Louisa Ponseca Story, ay pinangungunahan ni Jennylyn Mercado bilang Bogs/Maloy, Sheena Halili bilang Bebet, Pancho Magno as Lando, Lui Manansala as Mamang, Rolando Inocencio as Papang at Tess Bomb as Dax.

MAGPAKAILANMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with