Joshua napatayuan na ng restaurant ang tatay, nakalipat na rin sa bagong bahay!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 8, 2019 - 12:00am

Hulaan n’yo kung saan nag-celebrate si Joshua Garcia ng kanyang Pasko at Bagong Taon?

Sagot: well, sa kanyang bagong biling bahay lang naman na hindi niya ni-reveal ang exact location. Although, in time, he promised he will.

Samantala, ayaw namang magbigay ng hint ni Joshua kung kasama niya ba ang girlfriend na si Julia Barretto noong Pasko at Bagong Taon although may nagsabi na sa Amerika nag-Pasko ang pamilya ni Julia.

Maging si Julia ay may bagong bahay din.

Of Joshua, natupad na rin ang pangako niya sa kanyang ama na patatayuan niya ito ng sariling restaurant sa kanilang bayan sa Batangas.

In two weeks naman, magpapaalam na sa himpapawid ang series na Ngayon At Kailanman na pinagbibidahan nilang dalawa ni Julia. Ang bagong serye ni Angel Locsin na The General’s Daughter ang ipapalit dito.

Yassi sumumpang ‘di agad magkakaanak, nali-link sa basketbolista

Kung ang ibang mga artista ay mga aso at pusa ang nagsisilbi nilang alaga, kay Yassi Pressman naman ay ang kanyang tatlong  ahas na love na love at alagang-alaga niya. Parang anak daw ang turing niya sa mga ito.

Ang pagkakaroon ng anak at 23 ang isinusumpa ni Yassi na hindi mangyayari, lalo’t focus na focus nga naman siya sa kanyang showbiz career.

Not at this point in time when his current series with Coco Martin, FPJ’s Ang Probinsyano ay obvious na matatagalan pa bago magtapos. In fact, the way it looks, kung ang mga sumusubaybay sa teleserye ang masusunod, hindi nila papayagang mag-end ito.

The same following ng series are keeping their finger crossed that, in time, ma­ging totohanan na ang relasyon nina Coco at Yassi.

Gumaganap kasi ang dalawa bilang mag-asawa which of course, malabong mang­yari dahil kahit ‘di man aminin ni Coco, stable pa rin ang relasyon nila ni Julia Montes.

Samantala, si Yassi naman ay nali-link sa Filipino-Canadian basketball player na si Jon Zemira.

Yassi was formerly linked sa Kapuso talent na si Sef Cadayona.

Kris walang nag-akalang dadapuan ng sakit

Totoo nga yata na ang pagkakasakit ay kayang umatake like a thief in the night.

Sino ang mag-aakalang magkakasakit ng Lupus si Kris Aquino na alam naman natin na from head to foot ay punung-puno siya ng kalinisan.

Ang Lupus, as described in the dictionary ay isang disorder which characterized by skin inflammation. Ang nasabing sakit din ang ikinamatay ni former President Ferdinand Marcos.

Lately, we all know that Kris has been in and out of the country, more frequently for treatment na ‘di niya tuwirang tinutukoy na kanyang sakit. She always leaves with her two boys.

Samantala, isang dating trusted employee raw niya ang nag-spill ng kanyang tunay na sakit.

Grabe ha, Salve A., pray natin na gumaling si Kris.

Rachel dinadamayan ang kapamilyang nakaratay

Dasal pa rin ang hiling ng mga mahal sa buhay ng mag-asawang Richard ­Merck at Roni Tapia.

Matagal-tagal na ring nasa banig ng karamdaman ang dalawa. And since wala silang anak, mga relatives and friends lang ang nag-aalaga sa kanila.

Richard’s 84-year-old mom, singer Anne Brazil herself is very sick and needs assistance as well. Mabuti na lang at in town daw si Rachel Anne Wolfe, ang younger sister ni Richard na dati ring aktibo sa showbiz, para matignan ang mga importante nilang pangangailangan.

Rachel Anne, If we heard it right, now lives in the U.S. with her family.

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with