^

Pang Movies

Alden parami nang parami ang pag-aaring kainan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden parami nang parami ang pag-aaring kainan!
Alden Richards

Maraming-maraming salamat kay Pambansang Bae Alden Richards dahil napasaya niya ang mga entertainment press sa kanyang thanksgiving lunch for Christmas and his 27th birthday last January 2.

May interview kay Alden after the party. Open na si Alden sa pagkukuwento na sinimulan nang itayo ang kanyang branch ng McDonald’s store sa Binan, Laguna, at among the franchisee ng food chain, nasa record na sila lamang ni Maine Mendoza ang dalawang artistang meron nito.

Dumaan daw sila sa right process at hindi sila binigyan ng special consideration. Target nilang opening sa Easter Sunday sa April. Ang isa pa niyang branch ng Concha’s Garden Cafe sa Silang, Cavite na under renovation ay muli niyang bubuksan sa March.

Jose malalaman kung kayang mag-pelikulang mag-isa

Opening today ng first solo movie ni Jose Manalo, ang true-to-life story ni Boy Tokwa: Lodi ng Gapo sa cinemas nationwide, right after ng pagtatapos ng 44th Metro Manila Film Festival kahapon, January 7. Directed by Tony Reyes, tinawag niya ito na isang dramedy.

Si Senator Tito Sotto at ang kanyang VST Ventures Production, si Jose Manalo agad ang naisip na gumanap sa role ni Boy Tokwa, biro niya, dahil kamukha raw ng cheeks ni Jose ang cheeks ni Boy Tokwa, nang ipakita ni Ms. Kit­chie Benedicto-Paulino, na siyang may rights para isapelikula ang buhay nito, tulad nang pangako niya sa yumaong asawang si dating Olongapo Mayor Robert Paulino, na best friend ni Boy Tokwa

Sino ba si Boy Tokwa? Taga-Sampaloc, Manila si Boy pero napunta siya sa Olongapo in 1960 at doon siya nakilalang Boy Tokwa na minahal ng mga tagaroon dahil ang kinakatalo niya ay ang mga US soldiers at ang kinikita niya ay hinahati-hati niya sa mga mahihirap doon. Kahit daw gaano kaliiit ang kitain nito, hindi niya ipinagkakait sa mga nangangailangan doon. Member ng Bahala Na Gang si Boy sa Olongapo, pero kaibigan din niya ang OXO Gang at ang Sputnik Gang.

On his part, matagal na palang pangako ni Tito Sen kay Jose na igagawa siya ng solo project. Hindi naman kasama ang mga kaibigang sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros pero nagulat pa rin siya nang personal na silang nag-meeting at kasunod na ang shooting nito. Supported naman si Jose ng Eat Bulaga dahil nang sabihin ito ni Tito Sen kina Mr. Tony Tuviera at Vic Sotto, pumayag silang umalis si Jose para mag-shooting sa Guam at Olongapo .

Kasama rin sa movie sina Allan Paule, Buboy Villar, Karel Marquez, Gian Sotto at introducing ang grandson ni Tito Sen sa anak na si Apple, si Mino Sotto, na gumanap na apo ni Boy Tokwa.

Bilin nga pala ni Direk Tony Reyes, kung manonood kayo, magdala kayo ng towel o handkierchief dahil tatawa at iiyak kayo sa mga eksena ng pelikula.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with