Aktor wanted sa kontrobersyal na personalidad
(Pang-masa) - January 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mai-interview ng mga reporter ang isang aktor isa sa mga araw na ito dahil may project siyang malapit nang i-launch. Curious kami kung paano sasagutin ng actor ang involvement niya sa isang controversial personality (CP). Ang iba kasi, binibigyan ng ibang meaning na magkaibigan ang dalawa.

As of now, ang iilang nakakaalam sa friendsip ng aktor at ni pinag-uusapan pa lang ang actor at ni CP, pero dahil nasa showbis ang aktor, pasasaan ba at lalabas at masusulat din ang isyung ito. Maghintay lang tayo.

Matapang ang aktor na nabanggit sa pagpapahayag ng point of view niya sa showbis man at pulitika, kaya siguradong masasagot niya ng mahusay at malinaw kung ano talaga ang koneksyon niya kay CP.

Pamilya nina Jennylyn at Dennis, nag-reunion

Magiging busy ang 2019 ni Jennylyn Mercado dahil bukod sa rom-com series nila ni Gabby Concepcion na Love You Too, tuloy ang paggawa niya ng pelikula sa Reality Entertainment. Kasama sa pina-plug ng film company ang Keepers na sabi ni Jennylyn, horror ang tema.

May nag-akala tuloy na ‘yung Kwaresma ni Sharon Cuneta under Reality Entertainment din at si Erik Matti rin ang director ay same project na in-offer kay Jennylyn. May mga nalungkot ng fans ni Jennylyn thinking na hindi na siya tuloy gumawa ng movie with direk Erik. ‘Yun naman pala’y different project ang gagawinni Jennylyn sa movie na ginagawa ni Sharon.

May plugging na rin ang Love You Too nina Jennylyn at Gabby, pero wala pang balita kung kailan sisimulan ang taping. Busy pa si Gabby sa shows sa Amerika kung saan, ang singing talent niya ang ipinapakita.

Anyway, nag-bonding uli sina Jennylyn at ang pamilya ni Dennis sa birthday ng ama ng aktor na si Abelardo Ho. Kasama sa picture ang anak ni Jennylyn na si Jazz at ang ama ni Jennylyn na si Noli Pineda. Wala sa picture ang mom ni Jennylyn dahil matagal na silang estranged.

Born…pinag-uunahan panoorin!

Ang gaganda ng photos ni Martin del Rosario para sa publicity ng Born Beautiful na pino-post ni Perci Intalan na director ng pelikulang showing sa January 23. Sinusundan ni director Jun Lana ng The IdeaFirst Company na producer ng movie ang pagpo-post ng pictures ni Martin.

Makikitang marami ang gustong maunang makapanood sa Born Beautiful sa special screening sa January 18, sa UP Cine Adarna. Kinailangang manawagan nina direk Perci at direk Jun na sarado na ang pagtanggap ng reservation dahil sa rami ng gustong manood sa 4pm., screening.

Ang natitirang tiket at idi-distribute sa Jan. 18, bago ang screening sa first come first served basis. Unclaimed tickets will be distributed to the public ‘pag walang mag-claim by 5pm.

Mabuti na lang at sa 7pm., screening invited ang press people na siguradong puno rin. Present sa 7pm. screening sina direk Perci at direk Jun at ang cast sa pangunguna ni Martin na gaganap sa role ni Barbie. Present din ang kahalikan ni Martin na sina Akihiro Blanco at Kiko Matos.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with