^

Pang Movies

LJ at Paolo enjoy sa bagong anak!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang cute ng post ni LJ Reyes sa kanyang Instagram matapos niyang isilang ang first baby nila ng actor na si Paolo Contis last Friday, January 4, ang baby girl na si Summer Ayanna. Nasa post naman ni Paolo na may clock, 4:56 pm 1/4/19.

Ipinakita lamang ni LJ ang right foot ng anak at ang caption niya: “We’ve waited for you... and now I can’t believe you’re already in our arms! Worth every single pain! I love you sooooooo much Summer!!!! Mommy is so crazy about you!!!”

Sunud-sunod na ang pagbati kay LJ ng mga showbiz friends niya na sina Carla Abellana, Megan Young, Rochelle Pangilinan, Ryza Cenon, Andrea Torres, Diva Montelaba, Jerald Napoles, Rich Asuncion, Direk Gina Alajar, Yasmien Kurdi, Michael V., Drew Arellano, Iwa Moto at marami pang iba.

May post naman si Paolo ng picture na karga na niya si Summer at caption na: “Last week of December pa lang nagbabadya ka nang lumabas anak...Maraming salamat at pinaabot mo ng 2019. Ang hirap na magpalit ng hashtag sa mga lumang posts eh! #BabyContis2019.”

Ang best friend namang si Dingdong Dantes ang unang bumati kay Paolo, then sina Chynna Ortaleza, KC Montero, Charize Solomon, Carlo Gonzales, Betong Sumaya at marami pang iba. Bale tatlo na ang baby girls ni Paolo dahil parehong girl ang anak niya sa first wife niya na si Lian Paz.

Jak at Barbie may gustong baguhin sa ginagawa

Nagti-taping na ang reel and real loveteam nina Barbie Forteza at Jak Roberto ng first team-up nila for 2019, ang fantaserye na Kara Mia na kasama nila sina Mika dela Cruz at Paul Salas. Natanong ang dalawa sa taping kung may New Year’s resolution sila, para kasing napaka-open na nila sa kanilang relasyon at mukha namang wala silang problema, tanggap sila pareho ng both family nila.

Si Jak ba may gustong baguhin sa kanyang girlfriend?  “Siguro po iyong magkaroon siya ng time na mag-work out para naman mapalakas niya ang stamina niya, dahil medyo mabigat po itong ginagawa naming teleserye. Noon po kasi hinayaan ko siya dahil very busy siya noong nagti-taping ng Inday Will Always Love You na nagpapabalik-balik siya sa Cebu na location nila. Pero ngayon, sisikapin kong bigyan niya ito ng oras since lagi na kaming magkasama ngayon sa taping.”

Si Barbie may gusto ba siyang baguhin sa kanyang boyfriend? “Baka po ang haircut niya,” natatawang sagot ni Barbie. “Baka po dito sa bago naming serye, baguhin na ang haircut niya kaya mapipilitan na siyang magbago nito.”

Ang Kara-Mia ay isa sa apat na bagong serye ng GMA-7 na mapapanood na ngayong January at February.

Ang unang mapapanood ay ang afternoon prime drama series na Inagaw na Bituin na papalit sa Ika-5 Utos nina Jean Garcia, Valerie Concepcion at Gelli de Belen. Ang dalawa namang primetime series ay ang Sahaya nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, at ang TODA One I Love nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with