^

Pang Movies

DFA Secretary Teddy Boy Locsin Jr., pinapa-deport si Tony?!

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang sunud-sunod na comment ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin Jr., patungkol kay Tony Labrusca. Ang unang comment nito na “Just deport him,” bilang reaction sa isang post na ginawa ng aktor sa NAIA. Marami ang nag-agree kay DFA Sec. Locsin to deport Tony.

 

May comment pa si Sec. Locsin na “It is overcrowded” sa nag-comment na ang kagaya ni Tony ay dapat hindi na pinapapasok sa bansa.

Aliw naman ang comment ni Sec. Locsin na “Who he?” at “Still have no idea who he is” sa nagsabing talent ng ABS-CBN si Tony, na bida sa Glorious.

Doon naman sa nag-tag kay Sec. Locsin ng campaign photo ni Tony para sa Lee Jeans, ang reaction ni Sec. Locsin, “His clothes are too big for him.”

Magkaiba naman ang reaction ng ama ni Tony na si Boom Labrusca at ina nitong si Angel Jones.

Si Boom, nag-apologize sa Immigration Officer sa behaviour ni Tony at ang sabi: “Hi, mam, kung anu man po naging problema, humihingi po ako ng despensa sa inyo...pasensya napo kayo mam, btw nag pm po ako.”

Nag-react din ang mom ni Tony via series of tweets: “Everyone will always have something to say no matter what you do. Can’t please them all,” “It’s sad that people love fake news and enjoy hating people that do well” at “You can tell a lot about a person based on the gossip they listen to and stories believe.”

May nakisimpatiya sa mom ni Tony, may nagsabi namang hindi tsismis ang nangyari dahil may witness at may video pa.

zoren ‘di matanggap na binata’t dalaga na ang mga anak

Bukas na, January 6, ang birthday ng twins nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy na 18 years old na. Mamaya, sa Sarap Di Ba? kung saan, kasama ang twins ng inang si Carmina, may advance birthday celebration na ang kambal.

Pinost ni Carmina ang pre-birthday video na kakaiba sa mga napanood na nating birthday video.

May hashtag na #EighTWINth ang birthday ng kambal at napansin naman batay sa nababasa naming post nina Carmina at Zoren, si Zoren ang hindi pa matanggap na binata at dalaga na ang kambal nila ni Carmina.

Sa Sarap Di Ba? at Studio 7 ng GMA-7 napapanood sina Mavy at Cassy, hindi pa sila puwedeng mag-full time sa showbiz dahil pag-aaral pa rin nila ang kanilang priority, sabi ni Zoren. 

Luis nagpaliwanag sa mga nakakatawang video na ginagamit niya

May mga kumontra sa reaction ni Luis Manzano na “TRUTH” sa pinost nitong quotation card na “Social media has made too many of you comfor­table with disrespecting people and not getting punched in the mouth for it.”

Sabi ng ilang nag-react, ginagawa rin ni Luis ang nasa quotation card by posting videos na minsan tinatawanan ni Luis. Ang katuwiran ni Luis, tren­ding ang pino-post niyang videos, ma­rami na ang unang nakapanood, natawa at nag-react.

Nabanggit din ni Luis na minsan, nagdi-DM sa kanya ang mga nasa video na natutuwa at nagpapasalamat na pino-post niya ang video nila sa kanyang Instagram (IG) account.

Isa rin sa nag-comment at nag-agree kay Luis ay ang GF nitong si Jessy Mendiola na isa sa most bashed celebrity. Nabanggit ni Jessy na may isa siyang basher na nag-wish na mamatay siya, eh wala naman siyang ginagawa at hindi niya kilala ang taong ‘yun na galit na galit sa kanya.

vuukle comment

TEDDY BOY LOCSIN JR

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with