^

Pang Movies

Danzel ayaw sa pulitika!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Itong si Danzel Fernandez, son ni Mayor Dan Fernandez, 20 years old at college graduate na ng Dela-Salle University at superb handsome, tall but not dark dahil flawless! Posibleng showbiz na rin ang kanyang kababagsakan. E, hindi naman dapat pagtakhan dahil purong showbiz blood ang nananalaytay sa ugat niya.

 

Nanay niya ang beautiful na si Sheila Ysrael.

Ayaw ng politics ni Danzel, ipapaubaya na lang daw niya sa kanyang ama ang pagtakbo sa darating na election 2019 pero baka subukan daw muna niya ang showbiz.

Well, hindi mapipigilan ang hilig ng batang pogi na sabagay suportado naman siya ng kanyang pa­rents.

Pananakit ng ama sa anak, ‘dapat maKAkuha ng katarungan

Sa Lahat ng ayaw ko ay ang pananakit, pagmamaltrato sa mga bata, at ang mga mananakit pa ay ang magulang. Katulad nang napanood ko sa isang TV News bago mag-Pasko. ‘Yun isang four years old na batang lalaki, patiwarik na isinabit ng kanyang ama at pinagsusuntok, sipa, sampal ng maraming beses, nanginig ako sa galit.

Hayop na tatay! Excuse me, buti pa ang hayop mahal ang mga anak. Dahil sa galit sa asawa na umalis, ang anak ang nagdusa. At kinukunan pa ng video. Para raw mapanood ng ina kung nasaan man siya. Buti na lang dahil sa video, na-rescue agad ang bata.

Grabe, too much child abuse. Bwak***ng! Dapat kay tatay ikulong ng habang buhay! Putulan ng b*rat! Nagpasarap kang magka-anak tapos sasaktan mo lang! Go to hell y*wa ka! ayaw ko magalit kasi Bagong Taon pero ‘di ko napigilan sarili ko.

Hayy, sorry po Lord! Kayo na po bahala dun sa tatay. At sana yung bata ay nasa maayos na kalagayan. Yun Lang!

Senator Grace, malakas

Malakas ang hatak ni Grace Poe sa nalalapit na election 2019, dahil maganda ang naging performance niya sapul nang maging senadora siya.

Kaya may malaking chance na maging top notcher sa darating na eleksyon.

Kung ano man ang tatakbuhan niya tiyak na lusot. Masaya si Da King sa pamana sa anak.

Mabuhay ka Senator Grace Poe! Good Luck po!

Personal…

Happy New Year sa lahat! At pray natin na maganda ang hugot ng 2019!

Salamat sa ating Poong Maykapal, heto pa rin tayo, alive and kicking! Kahit paano nakaka-survive tayo. God Bless Us All! At syempre salamat din sa ating mga Ka-friendship!

vuukle comment

DANZEL FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with