^

Pang Movies

Puro hula lang MMFF walang nilalabas na kita ng mga pelikula!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

10th day na ng 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) last January 3, pero wala pa ring naglalabas ng official ranking ng walong pelikulang kasama. Ang nakatutuwa lamang balita, ang Rainbow’s Sunset, ay nasa-5th rank na, pwede pa raw ma-overtake nito ang Mary, Marry Me.

 

Narito ang unofficial ranking ng top five movies: 1. Fantastica,  2. Jack Em Popoy: The Puliscredibles, 3. Aurora, 4. Mary, Marry Me, 5. Rainbow’s Sunset.

Sumusunod daw ang One Great Love, The Girl In The Orange Dress at Otlum. 

Ayon pa rin sa mga balita, kinita naman ng lahat ng pelikula ang mga nagastos nila at walang nag-abono sa mga ginawa nilang entries.

At, kaya nga bang abutin ng MMFF 2018 ang target gross nilang 1 billion pesos?

Tatagal pa ang MMFF 2018 hanggang January 7, 2018.  Kahapon nag-post na ang Jack Em Popoy na nasa second week na sila at nagpasalamat sa mga manonood. Kaya iyong hindi pa nakakapanood ng iba pang entries, may chance pa kayo hanggang sa Monday, January 7, in cinemas nationwide.

Sunshine ibinalandra ang pagbalik ng dating katawan!

Sa Instagram account ni Sunshine Dizon, natuwa ang mga netizen nang makita nila ang iba’t iba niyang post na naka-swimwear habang nasa isang beach sa Bali, Indonesia. Bago nag-Christmas break ng taping nila ng Inagaw na Bituin, naikuwento ni Sunshine na Christmas, magkakasama sila ng Dizon family at New Year, kasama ang mga anak na sina Doreen at Anton, sa Bali, Indonesia naman sila pupunta. Kasamang umalis nina Sunshine ang Executive Producer niya ng bagong sisimulang afternoon prime drama series, si Mavic Tagbo.

Right decision nga si Sunshine na pinili niya ang Bali, at hindi sa mga lugar na may snow, dahil beach lover din pala ang mga anak.

Caption ni Sunshine sa post niya habang nasa beach, displaying her beautiful body, bumalik na iyong dati niyang sexy body, “The waves of the sea help me get back to me.”

Balik na nga si Sunshine sa taping ng Inagaw na Bituin kung saan kasama niya sina Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, Gabby Eigenmann, Angelu de Leon, Jackielou Blanco at ang dalawang tweenstars, sina Therese Malvar at Kyline Alcantara. Sa direksyon ni Mark Reyes,  mapapanood sila sa third week of January.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with