^

Pang Movies

Ian inakyat ang mga bundok sa Himalayas

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ian inakyat ang mga bundok sa Himalayas

Nagulat kami doon sa nakita naming social media posts ng actor na si Ian Veneracion na nagsasabing inaakyat niya ang mga bundok sa Himalayas, kabilang na roon ang highest peak sa buong mundo, ang Mt. Everest.

 

Hindi lahat ng nag-ambisyon niyan ay nakaya, bagama’t sa ngayon nga ay marami nang mga modernong approach, bukod sa markado na nga ang mga camp sites kung saan makakapagpahinga ang mga climber. Kung natatandaan ninyo ang huling personality na umakyat diyan at sinundan pa nang husto ng isang television network sa kanyang pag-akyat ay ang Pilipinong si Romi Garduce. Hindi kami sigurado kung siya nga ang huling Pilipinong gumawa niyan, pero hindi madali iyan.

Ngayon si Ian Veneracion naman ang susubok. At kung magagawa niya iyan, aba eh matindi.

Binibining Pilipinas Universe inaangkin pa rin ni Stella Marquez Araneta  

Mukhang nagkagulatan lang, at ngayon sinasabi nga ni Stella Marquez Araneta na nasa kanila pa rin ang franchise para isagawa ang Binibining Pilipinas Universe, ang search para sa ipadadalang kinatawan ng bansa sa Miss Universe pageant.

Nauna rito, may sinasabing ang franchise ay iniaalok daw mismo ng Miss Universe sa LCS, isang kumpanyang pag-aari ni dating Ilocos Sur governor Luis Chavit Singson. Si Singson naman ay nakilala sa Miss Universe matapos na maging main sponsor sa huling ginanap na Miss Universe pageant dito sa ating bansa, na walang dudang ikinasiya ng Miss Universe Organization, dahil noong sumunod na taon ay iniaalok ulit sa Pilipinas na mag-host ng pageant.

Iyon din ang unang Miss Universe pageant na ginanap sa Pilipinas na hindi ginastusan ng gobyerno.

Ngayon si Chavit din ang sinasabing producer mismo ng Miss Universe Korea.

Pero pinanindigan ni Stella Marquez Araneta, na isa ring dating beauty queen at kauna-unahang Miss International noong 1960, na ang Miss Universe ay nananatiling sa kanila ang franchise.

Nagsimula lang naman ang mga controversy riyan noong sinasabing may mga naging representative tayo na hindi naging kuntento sa suporta sa kanila ng Binibining Pilipinas. Lalo na nga iyong sinasabing pagpapagawa ng “national costume” sa isang designer na taga-Colombia. Pero maliwanag naman na may solusyon diyan. Tingnan ninyo ang ginawa ni Miss Universe Catriona Gray, bumuo siya ng sarili niyang team. Walang nakapakialam sa naging diskarte niya. Nakita naman ninyo ang resulta, nanalo siya at siya lamang ang kauna-unahang nanalo sa formal wear, swimsuit at national costume competition ng Miss Universe.

Kung iisipin mo, nasa candidate na rin naman talaga iyan eh. Siya naman ang lumalaban eh, hindi naman ang organizer.

vuukle comment

IAN VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with