^

Pang Movies

Born Beautiful hindi puwede sa bata!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Born Beautiful hindi puwede sa bata!

Binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng R-18 rating ang Born Beautiful movie ni Martin del Rosario, produced ng The Idea First Company. Ibig sabihin nito, yung mga aged 18 and above lamang ang puwedeng manood, at may mga cut pa rin ang mga eksenang ipalalabas.

Nanawagan ang mga producer, sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan, na bago ang showing ng movie sa January 23, ipalalabas muna nila ang full uncensored version sa one screening only at UP Cine Adarna, Diliman, Quezon City, sa Friday, January 18, 7pm.

Kung sino ang interasadong mapanood ang uncensored version, mag-check lamang kayo sa Die Beautiful Facebook page for details. Doon malalaman kung paano kayo puwedeng manood ng movie, dahil limitado lamang ang mga seat ng sinehan.

Ang Born Beautiful ay karugtong ng Die Beautiful na ginampanan ni Paolo Ballesteros, kaya may special participation siya sa movie na dinirek ni Perci Intalan. Si Kiko Matos ang katambal dito ni Martin del Rosario na isang transgender.

Pagkatapos ng showing ng movie, mapapanood naman ito sa Cignal TV. Ano kaya naman ang classification na ibibigay dito ng MTRCB pag ipalalabas na sa TV?

Claudine at Mark Anthony nganga na sa balikan

Ano kaya ang nangyari sa balak ng Viva Films noon na pagtambalin sa isang pelikula ang nagbabalik na si Claudine Barretto at si Mark Anthony Fernandez, after niyang mapalaya last year sa Pampanga jail dahil proven namang wala siyang kasalanan?

Ngayon kasi ang sabi ang magtatambal na sa movie na dapat ay gagawin nila ay sina Cristine Reyes at Xian Lim na.  May working title itong The Georgia Film Project na ididirek pa rin ni Sigrid Andrea Bernardo.

Mukhang maganda ang pasok ng 2019 kay Xian Lim. Ito na ang third movie niya pagkatapos lumipat sa pa­ngangalaga ng Viva Entertainment, dahil bukod sa bagong sisimulan niyang movie, nakatambal muna niya si Pop Princess Sarah Geronimo sa Miss Granny at may ginawa rin pala silang movie ni Louise delos Reyes na Hanggang Dito Na Lang na dinirek ni Bona Fajardo at kinunan ang mga eksena sa Saga Prefecture sa Kyushu, Japan. Mukhang ito ang Valentine’s Day at first movie na ipalalabas ng Viva Films for 2019, dahil showing na sila sa February 6 in cinemas nationwide.

Jose solong-solo ang tokwa

Madalas tinatawag na Boy Tokwa si Jose Ma­nalo sa Eat Bulaga, iyon pala may natapos siyang movie titled Boy Tokwa: Lodi ng Gapo. Produced ito ng VST Productions ni Senator Tito Sotto at idinirek ni Tony Reyes.

Solo movie ito ni Jose at wala ang dalawang comedy partners niya na sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Ang makakasama niya sa movie ay sina Joey Marquez, Buboy Villar, Karel Marquez at Alan Paule, with Gian Sotto at Mino Sotto. Leading ladies naman ni Jose sina Sophie Rankin at Marija Debelic. Showing na ito sa January 8, right after the Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

MARTIN DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with