^

Pang Movies

Ngayon waley na mga dating pelikula ni Vice inulit ng mga nanood!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Talagang natutukso kaming ilabas ang unofficial box-office gross ng Metro Manila Film Festival 2018, kasi talaga namang very reliable ang source namin. Nangako nga lang kami sa aming source na hindi namin ilalabas iyong mismong laman ng kanilang gross receipts. Kailangan nga lang ihiwalay namin mula sa total gross ang Metro Manila theaters para makuha ang kita ng festival, kasi iyong ibinigay sa amin total gross, income sa lahat ng sinehan sa buong Pilipinas.

May malaking pagkakaiba iyan. Iyong mapupunta sa beneficiaries ng festival, iyon lamang taxes galing sa Metro Manila theaters. Ang kita sa probinsiya hindi kasali sa festival. Iyon din ang paliwanag kung bakit maliit lamang ang nakukuha ng beneficiaries dahil hindi naman kasali sa labas ng Metro Manila sa ibinibigay sa kanila. Hindi sponsors ng MMFF ang mga LGU sa probinsiya, at kailangan din nila ng pondo mula sa municipal at amusement tax ng mga sinehan.

Pero may magandang observations kaming nakita. Top grosser ang pelikula ni Vice Ganda, pero mas malaki ang kinita ng pelikula niya noong nakaraang taon, kahit na sabihin mong mas mababa pa ang admission prices noon. May mga factor, matindi ang inflation sa taong ito at med­yo mahirap ang buhay, kaya siguro iyong umulit ng panonood ng pelikula niya noon, hindi na umulit ngayon.

Ang isa pang factor na sinasabi nila, ang kasama niya last year sa pelikula ay si Daniel Padilla, na alam naman nating isang box-office drawer, at si Pia Wurtzbach na sikat na sikat pa noon.

Si Coco Martin naman at si Vic Sotto, bagama’t hindi top grosser ay kinakitaan ng pontentials dahil mas malaki ang kinita ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles kaysa sa mga pelikula nila last year. 

Natawa kami sa comment ng isang scriptwriter ng isang nanalong pelikula sa MMFF, sabi niya, “masarap manalo ng awards pero kailangan din naming kumita.” Iyon pala eh, di gumawa kayo ng pelikulang gusto ng tao. Tingnan ninyo sina Coco at Vic, nakagawa ng pelikulang Rated A, pero kumita nang malaki. Hindi ninyo maipagyayabang na ayaw ng masa ng de kalidad na pelikula, rated A ang pelikula nina Coco at Vic, ibig sabihin maganda. Mas maganda kaysa sa ibang pinapanalo ng awards na hindi pa kumita. Lalong mas maganda doon sa wala na ngang award, wala pang kita.

BF ni Catriona nagka-career na

Napansin namin, host na yata ng Unang Hirit ang model at part time actor na boyfriend ni Miss Universe Catriona Gray na si Clint Bondad. Medyo hirap pa siya sa pagbabasa mula sa teleprompter ng mga salitang Tagalog, pero makikita mo naman na willing to learn siya.

Ang feedback namang narinig namin mula sa mga nakakakuwentuhan namin, positive ang da­ting ni Clint bilang co-host ng show. Malakas din naman kasi ang personality ng batang iyan, at may following din naman kahit na papaano. Eh ngayon pa dahil kay Catriona. Natural magiging curious ang mga tao, sino kaya iyan at naging boyfriend ng Miss Universe?                       

Award ngayon, isang araw na lang pinag-uusapan

Dapat bang iniiyakan kung hindi ka man manalo ng awards? Hindi ka nanalo eh, sorry ka. It is either sa tingin ng judges ay may mas mahusay kaysa sa iyo, o may ibang considerations kaya ka natalo.

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon masasabi mong natalo ka lang dahil naglagay ang kalaban mo. Hindi naman lahat ng awards nalalagyan pero may alam kaming iba na talamak talaga ang bentahan ng awards. Pero iyang awards, pang isang gabi lang iyan, o hanggang kinabukasan lang. Sa mga susunod na araw wala na rin naman iyan. Hindi kagaya noong araw na ang nananalo, isang taong kinikilala.

 

vuukle comment

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with