Angel at Luis
Angel at Luis mag-uunahang magpakasal
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 3, 2019 - 12:00am

Kung may bagong show si Angel Locsin, ang ex-boyfriend naman niyang si Luis Manzano ay magbabalik ang game show na Minute To Win It.

Ang bongga ng mag-ex, huh!

Of course, pareho rin silang in love.

Si Angel ay masaya sa piling ng businessman/producer na si Neil Arce at obvious ding masaya si Luis sa relasyon nila ni Jessy Mendiola.

Sino kaya ang mauunang magpakasal sa dalawang couples na ito?

May iba na nanghuhulang magpapakasal na ngayong 2019 sina Luis at Jessy, huh!

Ruffa sa isla nagpaputok

Sa Crimson Resort & Spa sa Boracay island sinalubong ng mag-iinang Ruffa Gutierrez, Lorin at Venice ang 2019!

Hanggang bukas pa sila sa lugar na ‘yon and obviously, kasama nila ang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

New Year naman, kaya wala munang reaction si Annabelle Rama tungkol doon.

Saka hindi rin naman nagpo-post si Ruffa sa kanyang Instagram account kaya tahimik lang si Bisaya.

May posting man si Ruffa, nasa Instagram story niya ‘yon, eh, hindi naman nakakapag-check doon si Bisaya, kaya walang gulo! Hahaha!

Ang husband ni Alice Dixson, si Laurent Bourgeois ang general manager ng Crimson Resort & Spa at kasama rin nila roon ang aktres na nabuking nga na married na sa nasabing GM nang maintriga dahil habang closed for rehabilitation last year ang nasabing island ay nag-post ito ng birthday pictures habang nandoroon.

Anyway, sabi ni Ruffa, ang saya-saya raw ng Boracay island Holidays vacation nila.

Actually, hindi naman nila first time na sinalubong ang New Year sa lugar na ‘yon. Before, halos buong Gutierrez family ay kasama nila roon.

Inusisa ko nga pala si Ruffa kung sinu-sino pang celebrities ang nakita niya sa Boracay at sinabing nandoroon din ang mag-inang Vina Morales at Ceana, pati ang ex-boyfriend ni KC Concepcion na si Ali Borromeo, Marvin Agustin, Daniel Matsunaga, ang newly wed na sina Iza Calzado at Ben Wintle, newscaster Pinky Webb at iba pa.

“Super nice here. Ang saya-saya!” sabi pa ni Ruffa.

Ang dalawang events nga pala na paghahandaan ni Ruffa ngayong 2019 ay ang birthday dinner concert niya sa June 24 at pati na ang Sweet 16 birthday event ng panganay niyang si Lorin on August 3.

Ang nanay niyang si Bisaya ang mamamahala sa kanyang birthday dinner concert at si Raymond Gutierrez naman ang bahala sa Sweet 16 birthday event ni Lorin!

Rainbow’s Sunset ‘di na kulelat

Mukhang mamamali ang hula ng marami na ang Rainbow’s Sunset ang pupuwesto sa number eight ng Metro Manila Film Festival 2018 official movie entries, huh!

Lumalakas daw sa takilya ang Rainbow’s Sunset.

May mga sinehan na nadagdag na sa pelikulang pinagbibidahan nina Eddie Garcia at Gloria Romero.

So, nakatulong ang maraming awards na nakuha nila noong MMFF 2018 Awards Night, huh!

So kung hindi sila ang number eight, ano kayang pelikula ang mangungulelat sa MMFF 2018?

Well…

General’s balik taping na

Next week na raw ang finale week ng Ngayon at Kailanman nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Ang The General’s Daughter ang papalit dito.

So, back to back na ang action series ng Kapamilya network?

 

ANGEL AT LUIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with