^

Pang Movies

Eric nagpamigay ng sangkatutak na red t-shirt!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Eric nagpamigay ng sangkatutak na red t-shirt!

Ilan kayang One Great Love red t-shirts ang dinala ni Director Eric Quizon nang pumunta sina ng Los Angeles, California to be with his Mom A­lice Smith and sister Donna noong Christmas day? Lahat ng mga pinost niyang photos sa kanyang Instagram, nakasuot siya ng t-shirt, kahit ang mga friends niya sa Hong Kong, kung saan siya naka-base kapag wala siyang ginagawa sa Pilipinas, at sa mga relatives niya sa North Carolina.

Isang way daw niya iyon to promote their movie na entry sa 44th Metro Manila Film Festival, kahit nasa abroad siya dahil ipalalabas din sa North Carolina ang One Great Love.

Nag-post si Direk Eric sa kanyang Ig matapos malamang tumanggap ng tatlong awards ang movie nila: Best Actor for Dennis Trillo; 3rd Best Picture ang One Great Love at Best Musical Score ni Miguel Mendoza.

“Congratulations Team One Great Love! Special mention to @dennistrillo and @miguelmendoza for winning best actor and best musical score respectively.  With 11 nominations to add to the elation we are feeling right now! Than you @motherlilymonteverde and @rosellemonteverde for the trust.  Sa lahat ng bumubuo ng pelikulang One Great Love, maraming maraming salamat sa inyong lahat!  Marami kayong matututunan tungkoll sa love ang relationships.  Still showing and growing strong!”

Sa pagbalik ni Direk Kaiz sa bansa, sisimulan na niya ang movie for Mother’s Day ng Regal Films, na magtatampok kay Ms. Maricel Soriano, mula sa script na sinulat ni Jose Javier Reyes.

Starstruck naghahanap na ng sasali

Magsisimula na ngayong January, 2019 ang bagong journey to stardom ng mga aspirants para sa Starstruck 2019.  Ni-release na ng GMA Network ang requirements para sa mga gustong mag-audition sa artista search na nasa Season 7 na ngayon.

Ang audition ay open sa male and female aspirants, 16 to 21 years old and of Filipino descent. Kailangan lamang ninyong mag-submit ng birth certificate (original and photocopy; photos (one close-up and one full body). If below 18, kailangang may certification siya na pinapayagan siya ng parents niya at may pirma sila, kailangan din nila ng photocopy ng ID ng parents niya.

Sa January 21 to February 15, ang auditions sa Metro Manila on weekdays.  Sa January 26 sa Cagayan de Oro, January 27 sa Butuan; February 9, 10 – Naga, February 16-17 – Cebu; March 2-3 Davao, March 9- Iloilo; March 10 – Bacolod; March 23-24 – Dagupan.

May paalaala lamang ang Starstruck 7 na lahat ng audition information ay manggagaling lamang sa Official accounts ng Starstruck (@StarStruckGMA on Facebook, Twitter and Instagram). “Huwag pong paniwalaan kung hindi sa amin nanggaling ang mga informations. Marami pong salamat.”

vuukle comment

ERIC QUIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with