^

Pang Movies

Promise nina Maine at Alden inaabangan kung matutupad!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Promise nina Maine at Alden inaabangan kung matutupad!
Maine Mendoza

Live na ang Eat Bulaga ngayong New Year’s Day dahil kaugalian na ng management ng TAPE, Inc. at mga Dabarkads na live sila sa pagsisimula ng taon, kahit pa galing sila sa bakasyon ng Pasko at puyat-puyatan sa pagsalubong sa bagong taon ng December 31.

Halos magkasunod bumalik ng bansa sina Alden Richards at Maine Mendoza last December 29. Si Alden mula sa Osaka, Japan kasama ang kanyang family at si Maine naman mula sa Chatuchak, Bangkok, kasama rin ang kanyang family.

Si Alden, pagkarating, nag-attend agad sa Christmas party ng kanyang fans pero hindi siya nagtagal dahil may rehearsal na siya para sa GMA New Year’s Christmas Countdown na ginanap kagabi sa Mall of Asia Seaside Boulevard, sa kabila ng pag-ulan. Tulad nang ilang nakaraang taon, para kay Alden blessings ang pag-ulan sa unang araw ng taon, kaya wala siyang pakialam mag-perform.

Sa bagong APT Studios na nga ginaganap ang Eat Bulaga at hiling ng AlDub fans na totohanin ng Creative Writer ng longest running noontime show, ang press release na pinalabas nila before New Year na gagawa ng bagong memories sina Alden at Maine, tulad nang ginawa nila noong nagsisimula pa lamang ang kanilang loveteam in 2016.

At sana raw ay magsimula ito bukas, January 2, na 27th birthday ni Alden.

RS bumabawi

Nagpasalamat si Rainbow’s Sunset producer Harlene Bautista na nadagdagan na ang mga sinehang pinagpapalabasan ng kanilang movie na nagtatampok kina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Ms. Gloria Romero.

Kaya pala nakiusap si Direk Joel Lamangan nang mag-thank you speech siya noong Gabi ng Parangal ng 44th Metro Manila Film Festival (MMFF), dahil noong opening day nila, may 53 theaters sila, pero kinabukasan, naging 31 theaters na lamang, sa third day, 19 na lamang sila. Nakatanggap ng 11 awards ang Rainbow’s Sunset sa Gabi ng Parangal at tinugon naman ito ng mga theater owners. Last Saturday, may 48 theaters na ito na ikinalat sa iba’t ibang probinsiya sa bansa.  So, it’s up to the moviegoers para panoorin nila ang isa sa pinakamagandang pelikula sa MMFF 2018.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with