^

Pang Movies

Coco naglabas ng ebidensiya sa pagtapat sa EA!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Coco naglabas ng ebidensiya sa pagtapat sa EA!

Kinukuwestyon pala ang hindi paggi-guest ni Coco Martin sa Eat Bulaga noong nagpu-promote sila ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles dahil ipinangako raw niya iyon pero hindi niya tinupad. Kahit gusto ni Coco that time, wala siya talagang schedule na maibigay sa EB, pero nang mag-shooting sila sa Broadway Centrum pa noon, talagang nag-enjoy siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng staff ng long-running noontime show.

At para patunayan iyon na tumungtong siya sa EB studio, ipinost ni Coco sa kanyang @mr.cocomartin Instagram wall ang picture nilang kuha after the shooting na kasama niya sina Vic Sotto, Maine Mendoza, Tirso Cruz III, former Senator Lito Lapid at Direk Mike Tuviera. Mapapanood ito sa movie na isa sa pinipilahan hanggang sa ngayon sa 44thMetro Manila Film Festival.

Nagpasalamat sina Coco, Vic at Maine dahil sa ngayon ay nadagdagan pa sila ng theaters sa Metro Manila at sa provinces. Nagsimula na rin sila ng international screening ng movie.

Miss Millennial 2018, nawawala?

Still on EB. Last Saturday ay ni-replay nila ang coronation ng Miss Millennial Philippines 2018. Marami kaming natatanggap na tanong sa social media, ano raw ang nangyari sa nanalong Miss Millennial Philippines 2018 na si Shaela Mae Rebortera ng Cebu? Bakit daw after ng coronation nito, wala nang narinig sa kanya, hindi siya kinuha ng EB para maging isa sa mga host, instead kumuha sila ng bagong co-host, si Maureen Wroblewitz na hirap na hirap sumabay sa co-hosts niya, at ni-retain nilang co-host si Miss Millennial Philippines 2017, Julia Gonowon, ng Camarines Sur.

Ano na nga ba ang nangyari kay Shaela Mae Rebortera?

Born Beautiful diretso sa Cignal TV pagkatapos sa mga sinehan!

Ipinost na ni Direk Jun Robles Lana ang official poster ng Born Beautiful na ginampanan ni Martin del Rosario at produced nila sa @theideafirstcompany. Nakausap namin si Direk Perci Intalan na siyang nagdirek ng movie noong Christmas party ng Regal Films at masaya niyang ibinalita na showing na ang movie nila sa January 23, in cinemas nationwide.

Ang Born Beautiful ay unang conceptualized para ipalabas sa Cignal TV, pero nang matapos na nila ang shooting, naisip nina Direk Jun at Direk Perci na ipalabas muna ito sa theaters. Humingi sila ng pahintulot sa Cignal TV kung puwedeng sa theaters muna nila ito ipalabas. Pumayag naman ang mga concerned at heto na nga,   ipalalabas na nila ito. Promise nila sa Cignal TV, na right after ng showing ng Born Beautiful sa mga sinehan, mapapanood na ito on national TV.

May special participation sa movie si Paolo Ballesteros dahil karugtong ito ng pelikulang Die Beautiful na ginampanan niya noon. Katambal naman ni Martin si Kiko Matos sa Born Beautiful.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with