Nico Bolzico at Solenn Heussaff
Solenn at Nico walong taon nang naghihiwalay ‘pag Pasko!
Nitz Miralles (Pang-masa) - December 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang sagot ni Solenn Heussaff na “left for Argentina to see his fambam” nang may magtanong kung nasaan ang husband niyang si Nico Bolzico. Tuwing Holiday Season pala, umuuwi si Nico sa Argentina to be with his family at sa isang interview, sabi ni Solenn, praktis na nilang mag-asawa na hiwalay sila sa Kapaskuhan.

Eight years na ginagawa ni Nico na sa pamilya nito sa Argentina siya nag-spend ng Christmas and New Year. “Gift ko ‘yun sa family niya. One month siya sa Argentina,” kaswal na sabi ni Solenn.

Hindi naman malulungkot dito si Solenn dahil narito ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Saka, busy siya sa maraming trabaho, isa na ang taping ng Cain at Abel. Noong Pasko lang sila walang taping at bukas, balik-taping na uli ang cast ng Cain at Abel.

Miles nag-sorry sa maka-SJ

Hindi na lang ang Home Sweetie Home ang nag-sorry sa fans ng Super Junior na-offend ng December 22 episode ng show dahil sa dialogue na “laos” at “Super Junior??? Ewww” at BTS na raw ang sikat.

Pati sina Miles Ocampo, Katrina Legaspi at Michelle Vito, nag-sorry na rin. Tanong ng ilang fans ng Super Junior, bakit si Empoy hindi nag-sorry? Ang dialogue niya kasi na kung kasama sa bucketlist nila sa pagpunta sa South Korea ay makita ang Super Junior.

Rochelle tuloy ang trabaho kahit 7 months na ang tiyan

Sa latest update ni Rochelle Pangilinan sa pagbubuntis niya, she is seven months and three weeks pregnant. Baby girl ang first baby nina Rochelle at husband niyang si Arthur Solinap na malapit nang lumabas. Mga February 2019, magsisilang na si Rochelle.

Pero, hanggang kaya pa, tuluy-tuloy pa rin ang taping niya ng Onanay, kaya nakikita ng viewers ang paglaki ng kanyang tiyan.

Gaya ni Iya Villania, tuloy din ang workout ni Rochelle kahit buntis siya. Sa mga gagaya sa kanya, ang payo nito idinaan sa hashtag na #askyourdoctorfirst.                                                                      

NICO BOLZICO SOLENN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with