Concert ng Indonesian pop band nilamon ng tsunami
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 25, 2018 - 12:00am

Nakakatakot ang nangyaring tsunami sa Indonesia kung kailan Pasko. As of presstime, at least 222 people na ang namatay at more than 800 ang injured. At wala raw ka-sign sign na magkakaroon nito.

Karamihan sa mga nabiktima ay nanonood ng concert ng Indonesian pop band Seventeen sa isang beach resort nang humampas ang napakalalaking alon sa entablado at sa mga nanonood.

Kasama sa mga namatay ang bass player at manager ng banda ayon sa lead singer na si Riefian Fajarsyah sa kanyang Instagram post. Nanghihingi siya ng dasal at umaasang makukuha pa ang misis niya. Marami raw sa mga nakaligtas ang bali-bali ang buto at bugbog ang katawan.

May ilang pa raw nawawalang member ng banda.

Grabe sa short video na kumalat, habang humahataw sa stage ang vocalist, biglang nilamon ng tubig ang stage nila, parang eksena sa  pelikula.

At ang sabi sa international news, marami pang nakakamatay na tsunami na maaring maranasan sa Indonesian coastline sa mga darating na araw dahil dahil aktibo pa ang mga bulkan doon.

Pagdasal natin ang nangyayari sa Indonesia at iba pang nangyayari sa paligid. Puwersa ng kalikasan ang kalaban at walang magagawa ang tao, kaya pray pa tayo.

Catriona biglang nanahimik

Biglang natahimik ang paligid kay Miss Universe Catriona Gray na kasalukuyan nang nasa New York.

Wala siyang paramdam sa social media matapos ang quick visit sa bansa from Bangkok, Thailand at lumipad nga pa-New York.

Wala siyang naging official home coming after niyang koronahan dahil private function ang ibiniyahe niya sa bansa after ng panalo.

Mas maingay pa nga sa social media ang boyfriend niya Clint Bondad na hindi nag-take off ang career matapos ang movie nila ni Yassi Pressman na Girlfriend for Hire.

May ilang nag-akala na after that movie, magka-career ang boyfriend ni Catriona pero hindi ito nangyari.

Mas umingay pa nga siya nang manalo si Catriona.

INDONESIAN POP BAND SEVENTEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with