PBB at Wowowin kinaiinisan ng mga nanay!
Vir Gonzales (Pang-masa) - December 23, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maraming mga nanay ang nakakapansin kung bakit daw puro pagliligawan ang inaatupag ng mga housemate ng Pinoy Big Brother? Ayaw na raw nila itong ipapanood sa kanilang mga anak dahil baka gayahin ng mga ito.

 

Ganundin ang napansin nila sa programang Wowowin, bakit daw pulos pagdi-display ng mga sexy dancer ang napapanood sa naturang show? Animo’y nasa beer house raw ang mga naturang dancer na paboritong mag-split.

Barbara maalaga sa nanay!

Na-touch kami sa narinig naming tsika ng makeup artist ng sexy star na si Barbara Milano na tatakbong Vice Mayor sa Talavera, Nueva Ecija. Ibinili pala ni Barang (palayaw ni Barbara) ng Hermes na bag ang kanyang ina kaya sobrang tuwang-tuwa raw ito. Ine-encourage rin niya itong sumali sa Zumba para mapanatiling maganda at healthy ang pangangatawanan.

Sana ay tularan si Barang ng mga artista. Malimit kasing makita ang mga nanay sa set ng taping na hawak ang maleta at makeup ng mga anak.

Magandang iparamdam sa ating mga magulang ang pagmamahal instead na hihintayin pa natin itong magkasakit at saka aalagaan. Saludo kami kay Barang na alagang-alaga ang nanay.

Amanda gustong makita ang mga kampana ng Balangiga

Isa pang sexy star mapagmahal sa ina ay si Amanda Amores. Katunayan, ngayong December 24 ay pupuntahan niya ang ina sa Guam kung saan ito naka-based for 20 years.

Gusto raw niyang ipagluto ng masasarap na pagkain ang mama niya. Nabanggit din ng mama niya na gusto nilang bumalik sa bansa para mabisita ang simbahan kung saan ibinalik ang Balangiga bells.

Taga-Samar sina Amanda kaya alam na alam nila ang kasaysayan ng naturang kampana.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings to December born ce­lebrants na sina Brenda Del Rio, Alice Cabahu, Dik Tropeo, Noel Ferrer, Baby Nebrida, Ian De Leon, at Pops Fernandez.

 

PINOY BIG BROTHER WOWOWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with