JM aligaga na agad sa concert
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - December 23, 2018 - 12:00am

Sa February 1, 2019 pa ang solo concert ni JM de Guzman na gaganapin sa Music Museum, titled Love Goes On pero ngayon pa lang ay nagsisimula na siyang mangharana para sa nasabing concert. Todo ang promote ni JM dahil matapos ang ilang taong napahinga siya sa showbiz ay unti-unti na ulit siyang nakakabangon.

 

Forte ni JM ang magpakilig kaya naman bagay na bagay sa kanya ang romantic at love songs, lalo na pag sinabayan pa niya ito ng pagtugtog ng kanyang gitara.

Kamakailan lang ay siya ang napiling mag-interpret ng kantang Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong composed by Kyle Raphael Borbon. Ang nasabing kanta rin ang siyang winner ng Himig Handog 2018.

May music video na rin ang Sa Mga Bituin… at tampok dito ang young actress na si Barbie Imperial, ang rumored girlfriend ni JM.

Nagpapasalamat ang fans ni JM sa suporta ng ABS-CBN dahil binigyan nila muli ng chance ang aktor.

Suggestion ng ilang fans na gawing official na ambassor si JM at gawan ng kanta kontra drug addiction para sa mga kabataan upang labanan ang droga.

Maganda nga ang ginagawa ng Kapamilya network kay JM na nagsisilbing ehemplo sa mga kagaya niya na minsang naging alipin at tanikala ng masamang bisyo.

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with