^

Pang Movies

Alden ‘di tinuloy ang bakasyon sa Amerika

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tweet ni Alden Richards kahapon ng umaga, December 18: “Officially... Bakasyon na ako!!! Maligayang Pasko!!!”

 

Tweet back naman ng daddy niya na si Richard Faulkerson, Sr.: “Baba na diyan. Pirma pirma na ulit boss.” At “Maghuhugas ka pa ng plato!”

Kagabi umalis si Alden kasama ang kanyang pamilya at ngayon ay nasa Japan na sila. Minabuti ni Alden na doon na lang magbakasyon dahil hindi na kaya ng kanyang Lolo Danny ang long flight.

Samantala, naiwan ang sister ni Alden na si Risa dahil may training pa ito para sa McDonalds nila na bubuksan na next year.  Nasa San Francisco naman ang Lola Linda niya, magkikita-kita na lamang sila rito sa New Year dahil babalik sina Alden ng December 28. 

Enjoy your white Christmas in one of your favorite place, Alden!

Therese at Kyline magpapagalingan

Nag-enjoy sa pagri-record ang dalawang mahuhusay na young actress na sina Therese Malvar at Kyline Alcantara ng theme song ng first team-up at teleserye nilang Inagaw Na Bituin sa Afternoon Prime ng GMA-7early 2019.  

Ako’y Isang Bituin ang title ng song.

Mukhang hindi lamang labanan sa acting ang teleserye na magtatampok din kina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz, kung hindi sa pagkanta rin, dahil pare-pareho silang mahuhusay kumanta. 

Si Direk Mark Reyes daw ang nag-decide na dapat ay silang apat ang kakanta ng mga songs na gagamitin sa drama series na papalit sa My Special Tatay.

Makakasama rin nila sa serye sina Marvin Agustin, Jackielou Blanco, Gabby Eigenmann at marami pang iba. 

Kasal ni Iza sa Palawan, star-studded!

Tiyak na star-studded ang dadalo sa Palawan wedding today ni Iza Calzado sa long time boyfriend niyang si Benjamin Wintle. Kahapon pa ay sunud-sunod na ang flight ng guests niya, tulad nina Direk Mark Reyes at ang mga Sanggre niyang sina Diana Zubiri (with husband Andy Smith) Sunshine Dizon at Karylle. 

Ayon sa post ng manager ni Iza na si Noel Ferrer, lastcelebrity bride of 2018 daw si Iza. 

Our congratulations ang best wishes to the newly weds. 

Parade of Stars lalarga sa Linggo

Nag-announce na si Noel Ferrer, spokesperson ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), na sa Sunday, December 23, na ang Parade of Stars na magsisimula sa likod ng Shopwise (Soreeno St.) Paranaque City.

Ipinaalaala niya sa mga dadalo at gustong manood ng taunang parade of stars, na ang Sucat Westbound Road ay isasara sa Sunday, simula ng 12:00 noon.

Dadaluhan ito ng magagarang karosa ng bawat isa sa walong official entries sa MMFF, ang Aurora (Viva Films), Fantastica (ABS-CBN Productions), Girl in the Orange Dress (Quantum Films, MJM Prod), Jack Em Popoy: The Puliscredibles (CCM Films/MZet Prod/APT Entertainment), Mary, Marry Me (Ten17P), One Great Love (Regal Entertainment), OTLUM (Horseshoe Studios) at Rainbow’s Sunset (Heaven’s Best Entertainment).

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with