^

Pang Movies

Gloria nilinaw ang totoong kulay ng gown nang manalo sa Miss U

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Salve, kapag kausap ko si Gloria Diaz, sobrang naaaliw ako sa kanya.

 

Dahil siya nga ang first Miss Universe natin (she was crowned on July 19, 1969 in Miami Beach, Florida, USA), tinanong ko siya kung totoo bang nag-deny siya na yellow ang color ng gown niya nang makoronahan siya?

Lumabas kasi na white raw ang gown niya, kaya mali ang akala ng marami na nakumpleto na ang colors ng ating Philippine flag sa gowns na suot ng ating apat na Miss Universe (Tita Gloria, Margie Moran noong 1973 na naka-white gown, Pia Wurtzbach na naka-blue gown noong 2015 at si Catriona Gray nga this year na naka-red).

“Yes, white gown talaga ‘yon, not yellow, although favorite color ko rin ang yellow! Saka that time naman kasi, black and white pa ang pictures, kaya hindi rin naman makikita talaga sa picture ang color,” sabi ni Tita Gloria.

Gandang-ganda raw si Tita Gloria kay Catriona nang mapanood niya ang grand coronation ng Miss Universe 2018.

“Yes, napanood ko. She’s so beautiful! Ang ganda niya! I think she’s a friend of Belle (ang anak niyang si Isabelle Daza-Semblat),” sey ni Tita Gloria.

In fairness to Tita Gloria, kapag tinatawagan ko siya para tanungin ng kahit na ano ay very accommodating siya!

Catriona may manager na

Isa raw ang talent manager/film producer na si Erickson Raymundo sa mga sumusuporta kay Catriona.

Nasa Miss Universe 2018 grand coronation din sa Bangkok, Thailand si Erickson kasama ang kanyang mga kaibigan headed by businewoman-philanthropist Pinky Tobiano.

Nakita ko nga ang video na sobrang tuwang-tuwa ang grupo ni Erickson nang si Catriona ang i-announce na bagong Miss Universe.

Si Erickson ba ang magma-manage ng showbiz career ni Catriona, if ever na magpaka-active na siya sa pagiging isang TV host/actress?

Malamang!

Marco gustong gawing Nora si Nadia

Alagang-alaga talaga ng Viva Artists Agency si Marco Gumabao!

Aba, may solo presscon pa siya kahapon para sa Metro Manila Film Festival 2018 official entry ng Viva Films, ang Aurora.

Si Anne Curtis ang bida sa Aurora, pero si Marco ang leading man.

Ex-boyfriend ni Anne ang role na ginampanan ni Marco sa Aurora at sobrang nag-bonding daw sila sa location shooting nila sa Batanes.

Medyo hirap lang daw sa mga eksena nilang underwater dahil malakas ang current ng tubig doon.

Madalas daw, kailangang magtagal sila sa ilalim ng tubig, kaya dusa raw, pero natutuwa siya at maganda ang feedback sa kanilang pelikula.

Tinanong ko nga pala si Marco kung gusto niyang i-remake ang mga pelikulang nagawa ng tatay niyang si Dennis Roldan (nakakulong pa ito dahil sa isang kaso) at nag-yes siya.

Ang Bakit Bughaw Ang Langit na pinagtambalan nina Dennis at Nora Aunor ang gusto niyang gawin.

Hindi pa raw niya napanood ang pelikulang ‘yon, pero aware siya na “special person” sa pelikulang ‘yon ang kanyang tatay.

“So, sino ang gusto mong gumanap na Nora Aunor na makaka-partner mo?” tanong ko.

“Si Tita Nadia Montenegro na lang po dahil sobrang close ako sa kanya,” sabi ni Marco at nagkatawanan ang press.

Magmumukha raw kasing comedy ang pelikula kapag si Nadia dahil malusog nga ang aktres.

Pero, puwede rin namang i-try dahil magaling din namang umarte si Nadia at malay mo, maging convincing naman siya sa role na dating ginampanan ni Nora, huh!

vuukle comment

GLORIA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with