^

Pang Movies

Kim minsan na lang masilayan ang sinag ng araw

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Lumabas ang pagkakaroon ng mababaw na kaligayahan ni Kim Chiu nang masilayan ang pagsikat ng araw pagkagaling sa Simbang Gabi. Ipinarating niya sa kanyang followers ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil sa magandang tanawing bumungad sa kanya na bihira niyang makita.

 

Tumigil si Chinita Princess, naupo sa harang na semento kung saan Manaoag, Pangasinan ang location ng IG.

“Early this morning, while on our way home from simbang gabi saw this beauty and can’t help myself to stop, stare at it and just to be with mature. Reminding ourselves how amazing this life can be!!!

“No “buts”, no “no what ifs”, no “whys” just thank you!!! Thank you Papa God and thank you for this beautiful sunrise! I’ve never seen the sun this big!!! You are amazing!!!” caption ni Kim.

Samantala, may isang ma­laking dahilan kung bakit nadagdagan ang kasiyahan ni Kim ngayong Pasko dahil ang One Great Love movie niya with JC de Vera at binigyan ng Grade B ng Ci­nema Evaluation Board.

Jessy naka-relate kay Catriona

Sumaludo si Jessy Mendiola sa sagot ng bago nating Miss Universe na si Catriona Gray sa final question ng pageant tungkol sa pagpapalaganap ng positivity sa mundo.

Naku, kung meron tayong artista na muntik sumuko sa mga birada sa kanya sa social media, si Jessy ‘yon. Wala na yatang magandang komento siyang natanggap kaya madalas niyang iyakan ‘yon at tanging ang boyfriend na si Luis Manzano ang naging matapang sa patanggol sa girlfriend, huh!

“Your answer made me cry. I love you even more because you used your voice to spread positivity. You are an inspiration to all of us,” bahagi ng caption ni Jessy sa video ng panalo ni Catriona.

Naging daan din ang pagkuha ng Quantum Films sa kanya para magbida sa film festival movie na The Girl in the Orange Dress. Iba na rin ang hashtag na gamit niya ngayon, ito ay ang #StrongAndBeautiful!

Eh, bukod sa entry nila ni Jericho Rosales, ginagawa ni Jess yang pelikulang Stranded with Arjo Atayde sa Regal Entertainment.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with