Benjamin wala nang paramdam, negosyong coffee shop sarado na rin?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - December 17, 2018 - 12:00am

Napadaan kami sa bookstore cum coffee shop na Borders and Books sa Tomas Morato branch at parang sarado ito. Hindi lang malinaw sa amin kung nire-renovate ang lugar na isa si Benjamin Alves sa may-ari o sarado na.

 

Sana, nire-renovate lang ang Borders and Books dahil sayang naman kung magsasara ito eh, may customers pa. We still have to check ‘yung branch sa Cubao kung sarado o operational pa rin.

Sobrang naapektuhan si Benjamin sa pagpanaw ng kanyang ama at hindi na nagpaparam­dam. Ang socmed account nito, ang Twitter na lang ang bukas, pero matagal na siyang hindi nag-a-update. Ang Instagram (IG) account nito, binura ang lahat ng posts at iniwan na lang ang post tungkol sa ama.

Sa latest naming pagbisita, “no posts yet” ang status, binura na naman pati ang post para sa kanyang ama.

After din ng pagkamatay ng ama nag-break sina Benjamin at Julie Anne San Jose, more than two years din inabot ang kanilang relasyon na nauwi sa wala. Hindi nagsasalita si Julie Anne sa break-up nila, lalo naman si Benjamin, kaya hindi natin malalaman ang dahilan sa kanilang paghihiwalay.

Toni mag-aaral na rin ng scriptwriting

Nagustuhan ni Toni Gonzaga ang involvement sa paggawa ng Metro Manila Film Festival entry na Mary, Marry Me. Concept niya ang ginamit sa story kung saan istorya ng magkapatid na umibig sa the same man, kaya balak ni Toni, mag-enroll ng scriptwriting under Ricky Lee. Ang feeling nito, marami pa siyang idea sa pelikula na magagamit lalo na ngayon na nagtayo na siya ng sariling film production na tinawag niyang TINCAN Productions.

Ang TINCAN ang producer ng Mary, Marry Me presented ng TEN17P na production naman ng asawang si director Paul Soriano. Para maiba ang pelikulang gagawin, family drama, rom-com at comedy ang gagawin ng TINCAN, gaya ng MMFF entry na para sa buong pamilya at kahit may drama, pahapyaw lang.

First MMFF movie ni Toni ang Mary, Marry Me, at first movie nila together ng sister niyang si Alex Gonzaga. Ito rin ang reunion movie nila ni Sam Milby after 10 years. Mabait na ate si Toni dahil ang sabi, mas pelikula ito ni Alex kesa pelikula niya, para nga raw launching movie ni Alex at nag-punchline na nagparaya siya.

Hindi nasagot ni director RC delos Reyes kung sino ang mas magaling na aktres between Toni and Alex. Ang sinabi na lang, may mga eksenang mas mahusay si Toni at may mga eksenang mahusay si Alex.

Si Sam Milby bilang si Pete ang pag-aawayan nina Mary Jane (Toni) at Mary Anne (Alex). Nabanggit ni Sam na si direk Paul ang nag-suggest na siya ang kunin sa role ni Pete and in fairness, hindi lang bumagay kay Sam ang role, may kilig pa rin ang tambalan nila ni Toni.

Sa presscon, nilinaw ni Toni na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Sam, si Sam lang ang nag-akalang may mutual understanding o MU sila habang ginagawa ang You Are The One.

Serye nina Gabby at Jennylyn sisimulan na

Naka-schedule sa early part ng 2019 ang rom-com series na Luv U 2 na first time na pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado. Sa title pa lang, alam ng rom-com series ito, pero tiyak sasamahan ng drama lalo na at parehong magaling umarte sina Gabby at Jennylyn.

Hindi pa sinasabi kung sino ang magdidirek ng Luv U 2 at kung sino ang mga makakasama nina Gabby at Jennylyn.

Tuwang-tuwa ang respective fans nina Gabby at Jennylyn sa bagong tambalan na ibibigay sa kanila ng GMA-7. Ang aabangan na lang ng fans ay kung maganda ang story ng Luv U 2. Christmas gift ito sa fans ng dalawa at ng network at advance New Year’s gift.

Heart isa sa tagahatol sa artista search!

In-announce na ang pagiging isa sa judge ni Heart Evangelista sa Starstruck  at kinumpirma ito ni Heart nang pumirma siya ng management contract sa GMA Artist Center.

“I will be one of the judges which I have always wanted to do. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihing “I’m sorry but it’s a “No” but I’m very excited for this project,” wika ni Heart.

May suggestion na kunin ding judge si Lovi Poe para silang mag-beshie ang dalawa sa judges. Masaya raw kung kabilang ang dalawa sa magiging judge.

Binanggit ni Heart ang suporta ng GMA Network sa kanyang international commitments, kaya nanatili siya sa network at pumirma sa GMAAC.

 

BENJAMIN ALVES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with