Christopher bitbit ang buong pamilya sa kasal ni Lotlot
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 17, 2018 - 12:00am

Ngayon ang kasal ni Lotlot de Leon sa Le­banese-fiancé niyang si Fadin El Soury sa San Juan, Batangas.

 

Kahapon ay kausap ko si Sandy Andolong, misis ng adoptive father ni Lotlot na si Christopher de Leon at kinumpirma niya na lahat sila ay a-attend sa kasal ng panganay ng kanyang mister.

“Kami ni Boyet at lahat ng girls namin, pupunta ng Batangas. Actually, pati Mom ni Boyet (ang ve­teran actress na si Lilia Dizon), pati lahat ng kapatid niya, except for Pinky na nasa States, pupunta rin,” sabi ni Sandy.

Isang kakilala naman ni Nora Aunor ang tinanong ko kung darating ba ang Superstar sa kasal ng kanyang panganay?

“Ang alam ko, invited talaga si Nora, pero may taping yata ng Onanay. Halos araw-araw ang ta­ping ng Onanay ngayon.

“Pero, malay natin at ma-surprise ang lahat at bigla siyang dumating. Sana nga,” sabi ng kausap ko.

Raymond tinatapos na ang mga ganap bago mag-Pasko

Hanggang Wednesday pala ay may taping si Raymond Gutierrez sa Universal studios ng E! Hollywood para sa isang special na ipapalabas sa E! Asia at sa Thursday (Los Angeles, California time) ang alis niya ng Amerika para makarating ng Pilipinas ng Saturday.

“I have shoots from Monday to Wednesday then need to pack my things and leave L.A. ng Thursday night,” sey ni Raymond nang magkausap kami kahapon.

Pagdating sa Saturday ay may commercial shoot siya at Sunday ay pahinga siya at Monday naman ay nasa bahay nila sa White Plains si Raymond para sa traditional Christmas dinner nila kung saan ay may pa-games at raffles sila para sa household helps nila na matagal na rin nilang kasa-kasama.

Baka imbitahan na rin niya roon ang ilan niyang friends like Bubbles Paraiso na miss na niya.

Then on Christmas day, family day pa rin nila dahil sabay-sabay silang mano­nood ng Fantastica.

“I promised Chard na manonood ako ng Fantastica, kaya sabay-sabay kami on Christmas day. Si Ate (Ruffa Gutierrez), may planong magpa-block screening, pero hindi ko pa alam ang details. Basta, sama-sama kaming mano­nood and I leave na for L.A. on the 26th. Mabilisan lang pag-uwi ko,” sabi pa ni Raymond.

Sa Los Cabos, Mexico naman sasalubungin ni Raymond with some friends ang New Year!

Mayamang sexy star diretso sa dyowa ang mga nahuhuthot sa benefactors

Super yaman na raw ang sexy star na ito.

Marami na siyang naipundar mula sa mga kinita niya sa showbiz at pati na rin sa mga lalaking nahuhumaling sa kanyang alindog, huh!

Ang nakakaloka raw, ‘yung ibang mga regalong tinatanggap ni sexy stars mula sa ilang be­nefactors niya ay ibinibigay naman daw niya sa guwapong boyfriend niya.

Yes, sobrang in love raw si sexy star sa kanyang non-showbiz boyfriend, kaya ‘yung mga nare-receive niya sa mayayamang admirers niya ay gini-give naman niya sa lalaking tunay niyang minamahal.

Ay, bongga si sexy star at nagse-share ng kanyang blessings sa kanyang boyfriend.

Si boyfriend kaya ay aware na may benefactors si sexy star?

Well...

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with