Paul wala nang nararamdamang selos kay Sam
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 17, 2018 - 12:00am

Ayon kay Toni Gonzaga, wala talagang selos na nararamdaman ang mister niyang si Paul Soriano kay Sam Milby na as we all know ay na-link sa kanya before at nagkaroon pa nga sila ng MU (mutual understanding).

 

In fact, si direk Paul pa raw ang pumili kay Sam para ma­ging leading man nila ni Alex Gonzaga sa Metro Manila Film Festival entry na Mary, Marry Me.

“Cause I remember before, si Paul, noong mag-boyfriend pa lang kami, napanood niya ‘yung music video, to be specific, napanood niya ‘yung music video, If Ever You’re In My Arms Again, theme song ng My Big Love (movie nina Sam at Toni), tinawag niya ako na parang sabi niya, ‘sobrang lakas naman ng chemistry n’yo, parang feeling ko, totoo na ‘yung feelings n’yo sa isa’t isa,’ parang ganyan.

“So, sabi niya, ‘ganu’n kalakas ‘yung chemistry n’yo na even me, you made me believe like there’s really something special going on between you,’” kuwento ni Toni.

Sa nakikita raw niya talaga sa mister niya, nasa posisyon talaga ito ngayon na secured na secured.

“Paul, I think, is in a stage in his life right now that he’s very secured. Very secured na siya as a person, as a husband, especially now na may Sevé (anak nila), parang buong-buo na ‘yung seguridad niya sa buhay,” sey ni Toni.

Asked kung may plano na ba silang sundan si Sevé, aniya ay wala pa naman sa ngayon.

“Siguro, pag 3 or 4 na si Sevé. Gusto ko kasi sana, kung God’s grace, nag-i-school na siya para alam mo ‘yun, madali nang i-handle sa kanya, i-explain sa kanya kapag may bagong darating,” she said.

Gov. Imee mahilig din sa showbiz!

Sayang at hindi nagtuluy-tuloy si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa pag-aartista dahil nga pulitika naman talaga ang linya ng kanilang pamilya. Pero sa kanilang magkakapatid, talagang aminado siyang siya lang ang may hilig sa showbiz.

Noong bata pa siya ay sumali siya sa Kulit Bulilit at Kaluskos Musmos, para mas madali ang pakikipag-usap niya sa mga kabataan noon bilang chairman ng Kabataang Barangay (ngayo’y Sangguniang Kabataan na).

“I was able to get closer to the young people, and I became more interested to showbiz that time too,” sey ni Imee nang makatsikahan namin recently.

Sinubukan din niya ang pagpo-produce dahil naging co-producer siya sa mga de-kalidad na pelikulang Boatman, Brutal, at Scorpio Nights noong dekada 80. Umarte rin siya sa isang pelikula with Leo Martinez.

Kuwento nga niya, napakaraming pelikulang naipo-produce noon to the point na kinilala ang Pilipinas bilang second largest filmmaker in the world next to India na nakakapag-prodyus ng 140 pelikula sa isang taon.

Kung nagtuluy-tuloy siya sa pagi­ging artista, baka hanggang ngayon ay umaarte pa rin siya dahil up to now, mahilig pa rin siya sa showbiz at nanonood pa rin ng mga pelikula at TV shows natin.

Pero aminado naman siyang hindi niya nakuha ang galing sa pagkanta ng kanyang ina, si former First Lady, Imel­da Romualdez-Marcos. Pero kaya niyang gumawa ng script, magbigay ng idea sa posibleng isang ma­gandang pelikula etc..

At sa mga hindi nakakaalam, sa pa­nahon ng Marcos regime nabuo ang Op­tical Media Board (OMB) at ang Movie Televison Review and Classifica­tion Board (MTRCB). Kaya nga raw kai­la­ngang baguhin na ang ­ilang batas na sila pa ang gumawa.

Aminado ang Senatorial candidate na kailangang ayusin ang distribution ng pelikula—mula sa indie hanggang mainstream hanggang regional. At para magawa ito’y kailangan ng tuluy-tuloy na summit ng producer at ibang stakeholder para ma-address ang issue.

“It is important to address the distribution problem in the industry because we have already leveled up in production,” she said.

Kaya nga nangako rin si Imee na kapag naging Senador siya ay tutulu­ngan talaga niya ang movie industry at naniniwala naman kami talaga na gagawin niya ito since tested na rin talaga ang malasakit niya sa industriya mula pa noon.

 

PAUL SORIANO SAM MILBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with