^

Pang Movies

Jessy kinopya ang slow-mo ni Catriona!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jessy kinopya ang slow-mo ni Catriona!

Sarado ang mga parlor ngayong umaga dahil nakatutok ang mga bakla sa magiging kapalaran ng manok nating si Catriona Gray sa Thailand kung saan live na mapapanood ang Miss Universe 2018!

 

Pasabog kasi ang signature walk ni Catriona na slow-mo twirl nang rumampa siyang naka-swimsuit kaya trending siya sa Twitter, trending ang hashtag na #Catriona at ilang foreign personalities ay napanganga sa ganda at galing niya, huh!

Isang netizen (@yreneaaddryvy ang nag-post ng isang video ni Gray at nagkomento ng, “Catriona Gray did all these. I don’t want to assume but dang this girl is such a fighter, the way she walks, the wasy she smiles, every single thing she does? She do it at its finest. Plus loving the confidence. #MissUniverse2018.”

Sinegundahan naman ito ng isa pang netizen (@EarleAbrenica) ng, “She squeezed every second of tha walk and spotted spin, @tyrabanks will be proud!”

“I mean...Pinoy power to the MAX!!!” reply na tweet ni Tyra Banks sa netizen.

Of course, iba ang judges sa preliminary competition ng Miss U candidates at iba rin ang p­ageant sa araw ng labanan. Positibo man ang halos lahat ng comments sa preliminaries, kailangan pa rin niyang ma-impress ang mga judge nang sa gayon ay lumaki ang chance niyang maiuwi ang Miss u crown, huh!

Magkakaroon ba tayo ng bagong Miss Universe after Pia Wurtzbach o nganga tayong muli?

Basta, ‘yung magpapa-parlor sa hapon, ipag­dasal ninyo rin ang panalo ni Catriona or else, baka apektado ang byuti ninyo paglabas ng parlor kapag na-lost si Catriona, huh!

Sa mga artista, nanguna si Jessy Mendiola sa paggaya sa pauga ni Catriona na inilabas ng girlfriend ni Luis Manzano sa kanyang Instagram stories.

May pa-slow mo at paepek sa buhok at saka nagsabing, “I love you, Catriona!”

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with