Pia pinagdarasal si Catriona!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 16, 2018 - 12:00am

Pinagdarasal ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang panalo ni Catriona Gray sa Miss Universe na bukas na ng umaga ang coronation sa Bangkok, Thailand na mapaanood ng live sa ABS-CBN, 8:00 a.m. Tinatawagan niya sa social media ang kanyang fans na suportahan ang ating pambato.

 

“Praying for good weather, world peace, and.......for Catriona to win Miss Universe! ???? Pianatics, let’s do this. Let’s support our Miss Universe Philippines!”

Kainitan noon ng AlDub (loveteam nina Alden Ri­chards and Maine Mendoza) sa Eat Bulaga nung kandidata si Pia na hiningan ni Pia ng tulong.

Ito ‘yung kalakasan ng love­team ng AlDub kaya lalong na­ging mas mainit sa social media ang pangalan ni Pia. Bestfriend niya ang isa sa mga host ng EB na si Pauleen Luna.

Pagbabalik ng Balangiga hinihintay ang version ng pelikula

Sino kaya ang script writer/director ang makakauna na gumawa ng pelikula tungkol sa pagbabalik ng Balangiga bells sa bansa?

Marami nang version ng pelikula ang nauna nang pinalabas sa mga sinehan. Pero ang version ay kung paano ito tinangay ng mga Kano at ang mga nangyari noon pero wala pang balita kung sino ang gagawa ngayong nakabalik na ito ng bansa. Anong drama at sino ang nakapagpabalik nito.

Mas cinematic din ang mga pangyayari ngayon dahil pinuntahan ni Pres. Du­terte ang pagbabalik nito sa Eestern Samar at siya ang ­unang nagpatunog sa kampana habang nakataas ang kaliwang braso.

Ayon sa reports, 117 years na namalagi sa Amerika ang nasabing mga kampana kaya lahat ay nagdiwang nang payagan ito ng mga Amerikano na ibalik sa totoo nitong tahanan.

Tinangay nga ng mga sundalong Amerikano matapos ang labanan noon ng Amerika at Pinoy sa isang village sa Samar.

BALANGIGA BELLS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with