^

Pang Movies

Pinagsasabay ang basketball at showbiz, Ricci Rivero nagkakasakit na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pinagsasabay ang basketball at showbiz, Ricci Rivero nagkakasakit na!
Ricci

Si Kathryn Bernardo ang biggest crush ng College Basketball Sensation na bida rin ng horror film na Otlum na si Ricci Rivero. As in humahanga na siya rito during Mara Clara days at si Albie Casiño pa ang ka-loveteam nito.

Pero nang dumating na raw si Daniel Padilla sa buhay ni Kathryn at nagkaroon na ng KathNiel loveteam, naging idol na rin niya ang young actor at naging big fan na siya ng tandem.

“Iba talaga ‘yung tingin ko kay Kathryn na parang may something special talaga sa kanya. And then, nun’g dumating si Daniel, iba kasi ‘yung dating ni Daniel,” sabi ni Ricci nang makausap namin sa grand mediacon ng Otlum last Thursday night.

Pero kahit crush na crush niya si Kath, wala naman daw siyang balak na agawin ang aktres kay Daniel dahil idol din naman daw niya ang aktor. Nang tanungin nga siya kung sakali bang may offer na maging ka-love triangle ng KathNiel, aniya ay ayaw niya raw.

Kahit extra raw sa KathNiel movie ay okay sa kanya, pero hindi bilang ka-love triangle.

Samantala, sa presscon ay kapansin-pansin na panay ang ubo ni Ricci kaya sabi namin sa kanya, mukhang nagkakasakit na siya dahil sa showbiz activities niya.

Ito ang unang sabak ni Ricci sa showbiz industry kaya naman understandable na hindi pa siya sanay.

“Kaka-promote po, sobrang pagod talaga, kanina whole day ako sa ABS-CBN,” anang binata.

Kaya pa ba niya ang showbiz?

“Actually, it became really hard for me kasi may basketball pa ako, may classes pa ako. So, unlike ‘yung mga ibang artists na talagang naka-focus sila sa showbiz, ako, may trainings ako, may classes ako na kailangang attend-an everyday. And then, magte-tape ako and then, magpo-promo ako.”

Pero kakayanin niya naman?

“I’m trying my best. Kasi kapag gusto mo naman ang ginagawa mo, willing ka.”

Ayon pa kay Ricci, nage-enjoy naman daw siya ngayon sa showbiz at naging maganda raw ang experience niya shooting OTLUM na idinirihe ni Joven Tan.

“Hindi ko naman itutuloy-tuloy itong pagod na ‘to if hindi ako nage-enjoy.”

So, tuloy-tuloy na ba ang pagpasok niya sa mundo ng showbiz?

“Hopefully, pero hindi ko po  siya mauuna kasi priority ko talaga is basketball,” he said.

Ricci is only 20 years old at kasalukuyang nag-aaral sa University of the Phili­ppines, a varsity player playing for UP Fighting Maroons.

Sa Otlum ay kasama niya sina Jerome Ponce, Michelle Vito, Vitto Marquez, Buboy Villar at ang baguhang si Danzel Fernandez na anak ng mga dating artistang sina Sheila Ysrael and Dan Fernandez.

Showing na sa Dec. 25 ang Otlum as one of the official entries of the 44th Metro Manila Film Festival mula sa direksyon ni Joven Tan hatid ng Horseshoe Studios.

 

 

 

vuukle comment

RICCI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with