^

Pang Movies

Alden inaresto ng mga pulis!

Pang-masa
Alden inaresto ng mga pulis!

MANILA, Philippines – Nag-aalala si Metring at ang mga bata tungkol kay Nonoy (Alden Richards) at sa sikreto nito, kaya naman itinanong nila kay Lola Goreng (Gloria Romero) kung ano ang susunod na mangyayari sa kanya.

Walang nagawa si Nonoy kung hindi aminin ang totoo sa kanyang mga kaibigan. Hindi siya pinaniwalaan ng mga ito noong umpisa, kaya naman ipinakita na ni Eflis (Yuan Francisco) ang kanyang powers para mapatunayang isa siyang duwendeng tumutulong kay Nonoy. Naniwala naman ang mga kaibigan niya at na­ngakong itatago nila ang kanyang sikreto.

Sa mga sumunod na araw, habang papalapit na nang papalapit ang Pasko, parami na rin nang parami ang mga sulat na dumadating. Problemado tuloy sina Nonoy, Christy at Eflis kung paano nila matatapos ipamigay ang lahat ng regalo sa tamang oras. Nakaisip ng paraan si Nonoy at humingi siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan pero tinanggihan siya ng mga ito. Nalungkot si Nonoy pero agad naman siyang tinulu­ngan ni Christy at nangakong hindi siya nito iiwan.

Lingid sa kanilang kaalaman, nakasilip si Mary sa kanilang ginagawa at natuklasan na nito ang napakaraming regalong nakatago sa kuwadra. Kinompronta nito si Christy kaya narinig sila ng kanilang ina. Agad itong tumawag ng pulis sa pag-aakalang nababarkada sa magnanakaw ang kanyang anak.

Samantala, nakatulog sina Eflis at Nonoy at wala silang kaalam-alam na ninakaw ang magic pouch nila ng dalawa sa mga kaibigan nito, kaya naman lalong lumala ang sitwasyon.

Dumating na ang mga pulis at nakita ang mga nakatagong regalo, hinihingan si Nonoy ng resibo para sa mga ito ngunit wala siyang maibigay, kaya naman dinala na siya sa presinto.

Malapit nang mag-Noche Buena, Magawa pa kaya nila ang kanilang misyon?

Abangan ang Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA-7, Sunday, December 16, Linggo ng gabi.

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with