^

Pang Movies

Alden at Maine naka-isang bilyon na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden at Maine naka-isang bilyon na!
Maine

Wow! 1 Billion tweets! Congratulations sa AlDub Nation (ADN), fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Hindi sila talaga nagpatalo simula nang i-post nila calling for a one billion tweets na gagamitin nila ay everyday hashtag nina Alden at Maine.

Any event ng dalawa, lagi itong may ‘ALDUB’ sa hashtag. Kahit may solo event ang dalawa, may kasama pa ring AlDub hashtag. Sa pagtatanong namin kung kailan sila unang naglabas ng hashtag ng ALDUB, noong first weeksary raw ng love team sa kalyeserye dated July 23, 2015. Unang nagkita ang dalawa sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong July 16, 2015. Ang unang hashtag nila ay #AlDub1stWeeksary.

May Official AlDub Trendsetter sila na siyang nagbibigay ng hashtag bago mag-12:00 midnight na ginagamit nila from 12:01am to 11:59pm everyday.  More than one million ang tweets nila araw-araw. Hanggang sa dumating ang Tamang Panahon ng EB na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan at nakapagtala sila ng more than 41 million tweets on that day, October 24, 2015. Hanggang sa ngayon ay wala pang nakakatalo sa kanila kaya nabigyan sila ng Guinness Book of Records ng highest tweets in a day at hanggang sa ngayon wala pa ring nakakatalo sa Twitter ng AlDub.

Last Wednesday evening, December 12, nakaabot na ng 1 billion tweets ang AlDub hashtag na nag-coincide pa sa hashtag nila ng December 13, na #ALDUB178thWeeksary. 

Binati at nagpasalamat na sina Alden at Maine sa ADN.

Mga panghanda sa Pasko, mabibili na rin online!

Maganda ang naisip ng CDO na pagaanin ang pagsa-shopping ng mga misis at mga kapwa Pinoy natin habang naghahanda sa Kapaskuhan na malapit nang dumating. Ito ay sa paglalagay nila online, sa Honestbee, kung saan ma-o-order na ang kanilang mga product na panghanda sa Noche Buena at Media Noche, sa family get-together at holiday reunions at Christmas parties.

Nag-partner ang CDO at Honestbee at pwede nang orderin sa kanila ang mga CDO favorites ninyo like Christmas Treasures, Premium Holiday Ham, Pista Ham, Jamon de Bola, Pear-Shaped Ham, Danes Chees Ball, Classic Cheese at Danes Mayo Dressing at Sweet Preserves.  Lahat ng oorderin ninyo ay personal na idi-deliver sa inyong mga tahanan, kaya less pagod at iwas pa kayo sa masikip na traffic. Kaya click na sa Honestbee online for your orders.

Sanya natutuhoG sina Dingdong at Dennis

Masaya si Dennis Trillo na napanood ang interview sa girlfriend na si Jennylyn Mercado na nanonood pala ng action-drama series nila ni Dingdong Dantes na Cain at Abel. Natanong din kasi si Jennylyn kung hindi ba siya nagseselos sa mga intimate moments nina Dennis at ng girlfriend nito sa story na si Sanya Lopez.

“Bakit naman ako magseselos, trabaho iyon,” natatawang sagot ni Jennylyn. “Hanga ako kay Sanya dahil ang husay niya bilang si Margaret sa story.”

May sweet moments din si Sanya kay Dingdong Dantes kaya ang swerte ni Sanya na dalawang “hari” ng GMA ang katambal niya.

Napapanood gabi-gabi ang Cain at Abel after 24 Oras.

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with