Maricel & Edu
Edu at Maricel nag-reconcile para sa Pasko
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - December 14, 2018 - 12:00am

Para sa mga senior audience na nanood ng nearly five hours Christmas concert na inihandog ng ABS-CBN na ginanap sa Araneta Coliseum noong Tuesday (December 11), very significant ang pag-appear together nina Edu Manzano at Maricel Soriano onstage. Talking and ribbing each other pa man din.

Former husband and wife ang dalawa at ang tagal na nilang ‘di nagkikita. Sad to say, sina Maricel and Edu ay walang anak.

Edu, as we all know ay may anak kay Lipa Representative Vilma Santos-Recto, ito ay si Luis Manzano na isa nang sikat na TV host ngayon.

Nagpakasal sina Edu and Ate Vi sa U.S. habang ginagawa ang pelikulang Romansa. Divorced na ang dalawa nang magpakasal naman sina Edu at Maricel.

Edu had two other children, another son and a daughter with his former partner, Rina Samson.

Maricel has two sons naman, both of whom are parehong malalaki na at nakatapos na rin ng pag-aaral at may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan.

Maricel’s appearance in the program was no doubt special. In the case of Edu, he was presented onstage first with the cast of the series of FPJ’s Ang Probinsyano, headed by Coco Martin.

Like Coco, nagpakitang gilas din sa pagsasayaw si Edu.

Again, obviously marami ang nakakaalam na bago nakilala bilang actor-politician si Edu, he was first a ramp model at mahusay magsayaw.

Now, so much for the memories, Salve A.

Toni producer din sa Mary, Marry Me

Isa rin pala sa producer at nag-conceptualize si Toni Gonzaga ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry nila na Mary, Marry Me, starring her for the first time with sister, Alex Gonzaga.

Toni’s director-husband, Paul Soriano is just releasing the film for his own productions, Ten17P. Mula ito sa direksyon ni RC delos Reyes.

Sam Milby plays the sole leading man of the sisters.

Asked who between Tony and Alex he ended up with, itinuro ni Sam si Toni sabay turo naman siya kay Alex.

Alex’s reaction: Bakit ako?

Christmas party ng Star Magic at ABS-CBN, kakaiba ang saya

Ang saya-saya ng katatapos na Christmas party na idinaos pareho ng Star Magic at ABS-CBN Corporate Communication, headed by Thess Gabi at Kane Errol Choa for the entertainment media.

The Star Magic event was held at the 9501 15th floor. While ‘yong sa Corporate Communications ay nagsimula sa pagtu-tour ng mga guest sa lahat halos ng offerings ng ABS-CBN Studio Experience na located naman sa 4th floor ng Trinoma  mall in Quezon City.

Later, the group were treated to dinner at a Korean Restaurant in the second floor ng mall. Doon na rin ginanap ang pa-raffle, in cash and in kind.

Most everyone went home happy. Lalo’t ‘yong nanalo ng top prize of P25,000 pesos.

Host ng raffle and program ay si Aaron Domingo, ang Media Relations officer ng Kapamilya.

Isa sa mga pangarap ni Aaron ay ang maging mahusay na TV anchor and host. Keep up the good work, Aaron.

Kikitain ng concert nina Pilita at Carmen, ido-donate sa simbahan

On Saturday night (December 15), singing legends Pilita Corales and Carmen Soriano will be performing with their respective unico hijo, Ramon Christopher at Lloyd Samartino at a concert na may title na The Legends at the Music Museum.

Si Jobert Sucaldito na isang TV and radio entertainment reporter ang nagdirek ng nasabing concert, together with Jerry as a musical director.

The musical event is for the benefit of the Church of Agmanic Sta. Fe, Romblon.

Among those sponsoring the concert are Governors Chavit Singson and Yto Ynares; Senator Manny Pacquiao, Makati Mayor Abby Binay, San Juan Vice Mayor Janella Estrada, TV host Boy Abunda at marami pang iba.

MARICEL & EDU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with