^

Pang Movies

Carla nagluluksa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Carla nagluluksa!
Carla kasama si Sunny

Isa si Heart Evangelista sa mga nakiramay kay Carla Abella sa pagkamatay ng kanyang asong si Sunny. “My heart is broken. My Sunny is gone,” ang malungkot na caption ni Carla habang namumugto ang mata at nakaharap sa aso niyang sumakabilang-buhay.

Isa si Carla sa mga artistang ang isa sa advocacy ay ‘adopt a dog’ tulad ni Heart.

Nauna na siyang nanghingi ng dasal para kay ‘Sunny’ last month na na-confine dahil sa multiple illnesses.

Actually, hindi murang mag-alaga ng aso lalo na nga kung may breeding dahil oras na magkasakit, parang tao ang gastos.

Anyway, hanggang Friday na lang ang dramedy series ng GMA na Pamilya Roces na ang isa nga sa mga bida ay si Carla.

Ayon kay Carla, marami siyang unforgettable scenes sa nasabing soap since ito nga ang first time na gumanap siyang bida-kontrabida role, “Ang mga masasayang araw ko sa taping ay nung bandang simula po ng show na halos lahat ng eksena ay magaan at nakakatawa. Nakakatawa po ang mga linya na kahit reading at blocking pa lang ay mahirap na magpigil ng tawa.”

Liza

Darna walang atrasan

Maraming artista na raw ang nakabili ng property sa Bulacan.

Mabilis daw ang iba dahil nang matunugan nilang may ginagawang sound stages doon ang ABS-CBN, namili agad sila ng mga lupain at pinatayuan nila ng bahay. Ito ay bago pa man tumaas ang presyo ng mga lupain doon kung dalawang sound stages  sa San Jose Del Monte, Bulacan ang binuksan nung isang araw na ang sabi nga ay pang-Hollywood ang level.

At ang unang gagamit nito na programa, ang teleseryeng The Faithful Wife at ang pelikulang Darna ni Liza Soberano  na uumpisahan ang shooting sa second quater ng 2019.

Yup, wala raw talagang atrasan ang Darna kahit na nga back to zero ang pelikula matapos ngang magpalit ng director. 

Tapon na raw kasi talaga ang nauna ginawa nila nung si Erik Matti pa ang director. Si Jerrold Tarog na ang bagong director nito.

CARLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user