^

Pang Movies

OST TV ng star music mapapanood na sa dailymotion

Pang-masa
OST TV ng star music mapapanood na sa dailymotion

Mas pinaigting ni Erik Santos ang kanyang titulo bilang “OST King” ng Pilipinas sa pagiging kauna-unahang tampok na mang-aawit sa OST TV—ang pinakabagong online channel ng Star Music sa kilalang video player at content discovery platform na daily­motion.

Kilala bilang isa sa mga Kapamilyang nagpasikat ng mga makabagbag damdamin na a­witing pang-teleserye at pelikula, maaaliw ang mga bibisita sa dailymotion sa mga paboritong soundtrack sa OST TV tampok si Erik.

Ilalabas din sa Enero ang bagong album ng Prince of Pop na koleksyon ng mga pinakatumatak niyang kanta kasama ang iba’t ibang musikero na nakatrabaho niya sa loob ng 15 taon, mga awitin na dapat ding abangan sa dailymotion.

Bukod sa mga kanta ni Erik, kumpleto ang OST TV ng Star Music ng original soundtracks tampok ang Kapamilya theme songs mula sa pelikula at telebisyon sa patuloy na hangad ng ABS-CBN at dailymotion na iparating ang musikang Pilipino sa buong mundo.

Simula ng ilunsad ito noong 2005, ang dailymotion ay naglalaman na ng mas maraming premium video content mula sa mga tanyag na insti­tusyon tulad ng CNN at BBC.

Mayroon itong 250 milyong users kada buwan, at mahigit sa 2,000 na  premium global publishers, at 3 b­ilyong manonood kada buwan, 70% ang itinaas sa views ng dailymotion sa rehiyong Asia Pacific nitong nakaraang taon lamang. Patuloy ang pagbibigay ng dailymotion ng premium local content sa buong mundo upang palawakin ang panonood ng mga tagatangkilik ng ABS-CBN sa pamamagitan ng malawak na soundtrack library ng Star Music.

 

 

vuukle comment

OST TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with