^

Pang Movies

Alden at Julie Anne, wagas na ang yakapan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Marami ang natuwa sa kumalat na picture sa social media na yakap ni Alden Richards si Julie Anne San Jose at kuha ang picture sa taping ng Sunday Pinasaya. It was a friendly hug, hindi kailangang bigyan ng malisya at ang unang pumasok sa isip ng mga nakakita ng picture, totoong bati na sina Alden at Julie Anne.

Kung dati, casual lang ang dalawa na kung magbatian man ay “hi” at “h­ello” lang dahil may ilang factor pa sa pagitan nila. Dala ‘yun nang nangyari in the past na ‘wag na nating ibalik.

After that friendly hug, hopefully, wala nang i­langan sa dalawa at makakapag-usap na sila ‘pag magkikita sa SPS at sa mga event ng GMA-7. Puwede na ring kumustahin ni Julie Anne ang asong si Globie na inaalagaan ni Alden.

Higit sa lahat, puwede nang magsama sa isang production number sina Alden at Julie Anne at pwede na ring pagsamahin sa isang frame na hindi sila magkalayo o kaya’y may ibang kasama.

Hindi maiwasang may mga ayaw sa pagbabati nina Alden at Julie Anne at may nag-akala pa ngang gumigimik ang dalawa. Wala silang project na magkasama, bakit kakailanganing gumimik?

Derek feel na feel ang pagkakasali sa Walk of Fame

Ang post ni Derek Ramsay sa pagkakasali niya sa mga nabigyan ng “star” sa Walk of Fame.

“I’m very honored to receive this recog­nition from the #walkoffame. To have my own star amongst so many big names in our industry is something to be very proud of. Congratulations to the other recipients.”

Binati si Derek ng mga kaibigan at isa sa nag-congratulate sa kanya ay si John Estrada. Patunay na pinahalagahan ni Derek ang award niya ay ang series of photos na kanyang pinost at may solo picture pa siya sa star na may pangalan niya.

Speaking of Derek, may cameo sila ng GF n­iyang si Joanne Villablanca sa Metro Manila Film Festival entry na The Girl in the Orange Dress. Maganda ang ginampanang role ng da­lawa na hindi na nila kailangang umarte pa.

Anyway, isa sa inaabangan kay Derek ay ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA 7. Next year na ito matutuloy at a­ba­ngan kung sino sa Kapuso actresses ang una niyang makakapareha sa gagawing teleserye.

Bossing ng Kapamilya at Kapuso, laglag sa kasalang Aljur at Kylie

Nagkita sa kasal nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang Pamilya Roces stars na sina Gabbi Garcia at Sophie Albert ilan lang sila sa taga-showbiz na invited sa kasal.

Si Sophie ay GF ni Vin Abrenica na brother ni Aljur at si Gabbi ang close friend ni Kylie sa showbis mula nang magkasama sila sa Encantadia. Nabanggit ni Kylie dati na isa si Gabbi and the only one from showbiz sa una niyang pinagsabihang pregnant siya, ganu’n sila ka-close at ganu’n kalaki ang tiwala ni Kylie sa young actress.

Escort ni Gabbi sa wedding nina Aljur at Kylie ang boyfriend nitong si Khalil Ramos at nakaka­aliw ang reaction ng fans. Give up na raw sila sa pag-asang magkakaroon pa ng chance ang relasyon nina Gabbi at Ruru Madrid dahil nakita nilang si Khalil na ang nasa puso ni Gabbi.

Anyway, nasunod ang gusto nina Aljur at Kylie na family and family friends lang ang imbitado sa kanilang kasal at parang wala kaming nakitang bossing ng ABS-CBN at GMA-7. Pero may exclusive coverage ang Inside Showbiz.

Hindi mawawala si Mariel Rodriguez, pero s­ina Robin Padilla at Liezl Sicangco ang nasa harap at sumalubong kay Kylie na solo sa kanyang wedding march. Napanood sa video na nagtatawanan sina Robin at Liezl, masaya ang dalawa, lalo na si Robin na natupad ang wish na ikasal sina Aljur at Kylie.

vuukle comment

ALDEN AT JULIE ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with