Manny
Manny at Bong nangunguna nga ba sa listahan ng pinakamayayamang Filipino celebrities?
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 13, 2018 - 12:00am

Sinu-sino nga ba ang mga pinakamayayaman na Filipino celebrities ng 2018?

May lumabas na video sa YouTube at naglabas ito ng listahan ng Top 10 Richest Filipino C­elebrities of 2018.

Nakalista rito ang edad, achievements at net worth ng sampung pinakamayayaman na local celebrities.

Hindi lang namin alam kung gaano ka-accurate ang naglabas ng video na ito.

Nanguna rito si Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao na ang net worth ay P9 billion!

Napasama rin sa Top 10 ang kakalaya lang na si Senator Bong Revilla na may net worth na P100 million.

Heto ang kabuuan ng Top 10 Richest Filipino Celebrities ng taong ito:

Manny Pacquiao - net worth 9 billion pesos;

Sharon Cuneta - net worth 1 billion pesos;

Willie Revillame - net worth 600 million pesos;

Vic Sotto - net worth 500 million pesos;

Ricky Reyes - net worth 200 million pesos;

Kris Aquino - net worth 120 million pesos;

Lucy Torres Gomez - net worth100 million pesos;

Bong Revilla - net worth 100 million pesos;

Vilma Santos - net worth 85 million pesos;

Vice Ganda - net worth 75 million pesos.

Catriona, may pinaka-maraming followers sa IG!

Kahit na pumalpak ang pag-ilaw sa sinuot na national costume ni Miss Universe Philippines Catriona Gray, isa sa pinalakpakan ng malakas ang pag-present ni Catriona sa naganap na National Costume competition ng Miss Universe sa Nong Nooch International Convention Center.

Higit na 90 contestants ang nagpatalbugan sa kanilang kakaibang national costumes na gamit ay iba’t ibang materyales.

Inspired nga raw ng pamosong Christmas Lantern ng Pampanga ang national costume ni Catriona kung saan represented ang Luzon, Visayas at Mindanao. Pinangalanan nilang Luzviminda ang national costume niya na ginawa in c­ollaboration with designer Jearson Demavivas.

Gayun pa man ay nakatanggap ng mixed reviews si Catriona sa kanyang national costume at karamihan naman ay positive. Kaya naman sa social media ay nangunguna si Catriona as most followed Miss Universe contestant. May 654,574 followers na sa IG si Catriona.

Ang bumubuo ng top 5 most followed MU contestant ay sina: Miss Ve­nezuela Sthefany Gutierrez (455,823 followers); Miss Spain Angela Ponce (434,997 followers); Miss Mexico Andrea Toscano (314,895 followers) at Miss El Salvador Marisela De Montecristo (312,559 followers).

Hollywood actress na si Julia Louis-Dreyfus naging open na sa pagkakaroon ng cancer

Naging open ang Hollywood actress at bida ng HBO comedy series na Veep na si Julia Louis-Dreyfus tungkol sa pakikipaglaban niya sa breast cancer.

Kung matatandaan ay isinapubliko ng aktres ang kanyang cancer diagnosis noong September 2017.

“The good news is that I have the most glorious group of supportive and c­aring family and friends, and fantastic insurance through my union. The bad news is that not all women are so lucky, so let’s fight all cancers and make universal health care a reality,” nasabi ni Julia noong nakaraang taon.

Sa pagtanggap ni Julia ng Mark Twain Prize for American Humor sa Kennedy Center kamakailan, ito ang kanyang naging emotional speech tungkol sa pinagdaanan niyang sakit: “I do feel different, but I can’t quite articulate how. I’ve come out the other side of this, and I’m still not exactly sure how to define the difference other than to say I’m grateful, of course, but it’s more than that. It’s bigger.”

 

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with