^

Pang Movies

Matutuloy pa ba? Darna ni Liza maraming problema!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pinag-uusapan na namang itutuloy na daw ang Darna movie sa 2019. Ewan, pero kung ilang taon na nilang sinasabing gagawin nila iyang Darna. Noong una nagkaroon sila ng problema kung sinong artista ang gagawa ng role. Popular choice si Angel Locsin, kaso nagkaroon ng problema sa kanyang likod hanggang sa hindi na siya ang gagawa ng pelikula.

Matagal na panahon na naman ang lumipas, kung sinu-sino ang pinagpi­lian, hanggang sa sinabing si Liza Soberano na raw ang Darna. Tapos naman noon iyong kuwento raw ang nagde-delay, dahil gagawa na sila ng panibagong kuwento. Hindi na base sa mga kuwento ng original author ng Darna na si Mars Ravelo. Talagang ang character na lang ang kanilang kinuha.

Tapos naging issue naman ang costume na isusuot ni Darna. Hindi na raw puwede iyong original na costume, gagawa sila ng bago kasi digital age na ngayon. Ang katuwiran nila noon, kung sina Batman at Superman pinalitan na ang costume eh, bakit hindi rin si Darna.

Ang daming kuwento ng mga producer at ng kanilang director noon na si Erik Matti, tapos biglang tsugi na rin si Matti. Hindi raw sila nagkasundo sa ilang bagay sa produksiyon, kaya tapon na ang lahat ng kanilang pre-production works at plano. Papayag ba naman si Erik Matti na ang ideya niya ay gamitin ng ibang director?

Tapos noong sisimulan na naman iyon ng bagong director, biglang hindi na ulit tuloy dahil gagawa muna raw ng isang love story sina Liza Soberano at Enrique Gil. Nagtatagal na kasi sila sa Darna at wala rin naman silang maibigay na proyekto kay Enrique at mukhang natatakot sila kung hindi si Liza Soberano ang kasama.

Ngayon itutuloy na naman daw ang Darna sa 2019. Alam ninyo noong araw sa showbusiness, kung maraming ganyang cause of delay hindi na itinutuloy.

Nabantilawan na eh. Kung itutuloy naman nila, simulan na muna nila at kung tapos na at saka kami maniniwala.

Victor Gosiengfiao at Douglas Quijano nauna na sa Balangiga bells

Habang ibinababa sa eroplano ang tatlong kampanang isinauli ng US sa Balangiga, naalala namin, ahead of their time ang director na si Joey Gosiengfiao, at ang mga producer noon na sina Victor Gosiengfiao at Douglas Quijano.

Noong 1974, ginawa nila ang pelikulang Sunugin ang Samar, na ang mga bida ay sina Mang Ramon Revilla, Pilar Pilapil at Aurora Pijuan, at iyon ay tungkol sa panununog ng mga sundalong Kano sa ibang bayan sa Samar, kabilang na ang Balangiga kung saan din nila tinangay ang tatlong kampana.

Ang mga kampana ay sinasabing inilagay sa simbahan ni San Lorenzo Martir noong 1863 ng mga paring Franciscano. May nakalagay pa roong pangalang “R San Francisco El Ano 1863”.

Ginawa nila ang pelikulang Sunugin ang Samar noong 1974 bilang bahagi ng isang kampanya para mabawi ang mga kampana ng Balangiga, pero ngayon nga lang nangyari iyon. Ewan kung may gagawa pa ng pelikula tungkol diyan, ngayong maibalik na sa Pilipinas ang historical bells na iyan, pero mayroon mang gumawa, naunahan na sila ng magkapatid na Gosiengfiao at ni Douglas Quijano noon pa mang 1974.

Iyong mga filmmaker kasi natin noong araw, napakahusay sa research. Hindi kagaya ngayon na tumitingala lang sila may kuwento na, kaya naman hindi kumikita ang mga pelikula nila.

vuukle comment

LIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with