^

Pang Movies

Marian pinaaga ang Pasko ng mga batang may bingot!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagdulot agad ng saya si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Pasko ng mga batang alaga nila sa advocacy niya na SmileTrain, ang mga batang bingot o may cleft lip or cleft palate. Tinipon nila ang mga batang ito sa Prime Hotel PH in Quezon City para sa maagang Christmas celebration. Caption ni Marian sa kanyang Instagram wall:

 

“There are many ways to spread the love I get from everyone in my life.  At the end of the day, it’s not about what we have or accomplished but it’s about what we’ve been given back. This year has been nothing but good to me, and this season it’s time to share our blessings through Marian’s Closet. @smiletrainph @closetbymarian #YANangsmile

Nanawagan din si Marian sa mga magulang o mga may kakilala na mga batang may cleft lip/cleft palate”

Libre ang pagtawag mula sa PLDT/SMART sa 1-800-1-888-7246.  Libre rin mag-text mula sa Globe/TM 2158 NGTI (2158 6484 o mula sa Smart/TNT/Sun: 2929 058 NGTI (2929 058 6484. #YAN ang smile. #ShareYourSmile #FreeSurgery.

Carla hindi nag-adjust kay Direk Joel

Final week na ngayon ng romantic-comedy-drama series na Pamilya Roces na tinampukan nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz and another beauty-queen na si Elizabeth Oropesa na mga asawa ni Roi Vinzon sa story. Dinirek ni Joel Lamangan, nagbigay ng sagot ang cast hindi naiwasan na tanungin ang cast kung naging dahilan ba siya para mas lalong pagbutihin ng mga gumanap na anak na sina Carla Abellana, Jasmine Curtis Smith, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Shaira Diaz at nina Katrina Halili, Rocco Nacino at Christian Bautista.

Si Carla hindi nag-worry na director nila si Joel Lamangan dahil sanay na niya itong makatrabaho. Si Jasmine, nagustuhan niya ang work ethics ni direk, si Gabbi, dahil kay direk, lagi silang on their toes pagdating sa work, walang issue sa kanila.  Si Sophie, strict daw lamang si direk pero appreciated nila the way he works at mami-miss daw nila ito ngayong tapos na ang taping nila. At si Shaira iyong takot daw nila kay direk ang naging dahilan kaya lahat sila ay nag-behave while working.

Si Katrina ay kinainisan ng netizens dahil siya raw ang gumawa ng gulo sa Pamilya Roces. Sumagot man si Katrina sa bashings ng netizens, pero ang pagta-trabaho raw nila with the senior stars, nakatulong para mas mapaganda nila ang show.

Pero ang natutunan nila sa paggawa ng Pamilya Roces, nalaman nilang kahit kung minsan ay sa pamilya rin nag-uugat ang mga problema, kahit ano pa ang mangyari, pag pamilya mo, kadugo man o hindi, nandiyan kayo para sa isa’t isa. Pero ang mahalaga, ang respeto ng bawat isa sa pamilya.

Sa Friday, December 14 ang final episode ng Pamilya Roces pagkatapos ng Onanay.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with