^

Pang Movies

Regine, Ogie, Martin at iba pa, nangharana ng mga teacher

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, katuwang ang Gabay Guro, ang mga guro sa pamamagitan ng isang concert sa pagdiriwang ng Navotas Teachers’ Day.

Hinarana nina Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gabby Concepcion, at Julie Anne San Jose ang humigit-kumulang 1,800 mga guro sa lungsod.

Tampok rin sa selebrasyon sina Jona Viray, Randy Santiago, Jason Dy, at Renz Verano at ang mga komedyanteng sina Ate Gay at Regina Otic.

Hindi naman nagpadaig sina Mayor John Rey Tiangco at Vice Mayor Clint Geronimo na sumayaw bilang pagbibigay-parangal sa mga guro ng Navotas.

“Gusto naming ibigay kung anuman ang pinakamabuti para sa ating mga guro. Ito ang paraan namin para parangalan ang kanilang mga sakripisyo para sa kabataang Navoteño, sa pagtulong sa kanila na maging responsableng mamamayan,” ani Tiangco.

Pinasalamatan ni Tiangco ang lahat ng mga guro sa Navotas sa kanilang patuloy na suporta at dedikasyon sa pagsisigurong de-kalidad ang edukasyong nakukuha ng mga kabataang Navoteño.

Nagpasalamat din ang alkalde kay PLDT Senior Vice President at Gabay Guro chairperson Chaye Cabal-Revilla sa tulong nito sa lungsod para maging mas espesyal ang pagdiriwang para sa mga guro.

Samantala, nagpahayag din ng pasasalamat si Cong. Toby Tiangco sa mga guro ng Navotas sa kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang mga mag-aaral.

“Maswerte ang Navotas sa pagkakaroon nito ng mga gurong handang magsilbi lagpas sa kanilang tungkulin para sa ikabubuti ng mga batang ipinagkatiwala sa kanila. Lubos ang aming pasasalamat sa inyong dedikasyon na magbigay ng de-kalidad na pagkatuto sa ating mga kabataan,” saad niya.

Ipinagdiriwang ng Navotas ang Navotas Teachers’ Day tuwing ikalawang Biyernes ng Disyembre ayon sa Municipal Ordinance No. 2006-02. Napaaga ang pagdiriwang ngayong taon dahil sa proklamasyon ng Department of Education na maagang Christmas break sa susunod na linggo.

Ang lungsod ay nagkakaloob ng scholarship sa mga gurong gusto pang kumuha ng higher studies. Ang mga teacher scholars ay nakatatanggap ng tuition assistance, transportation/food allowance, book stipend at research grant.

Nitong Mayo, nagsagawa ang lungsod ng tatlong araw na professional advancement seminar para sa mga guro ng pampublikong elementarya at hayskul. Layon nitong paigtingin ang pagmamahal ng mga guro sa kanilang propesyon at matutunan nila ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.

 

vuukle comment

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with