^

Pang Movies

Herbert at partner, may catching up sa abroad

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang pa-Christmas party ni Ricky Reyes kahapon para sa Child Haus kung saan ay napakaraming mga batang may sakit ang kinakalinga nila.

Malaki na ang building na “bahay” ng Child Haus na iniregalo ni Hans Sy kay Mother Ricky nang makita niyang umiiyak ang nasabing beauty guru sa interview niya sa TV Patrol.

“That time kasi, pinalalayas na kami sa bahay kung saan located ang Child Haus. The next day, nagkita kami ni Hans nang dumalaw ako sa father niya at tinanong nga niya kung bakit ako umiiyak sa TV Patrol.

“Binigyan niya kami ng se­ven-bedroom house kung saan namin dinala ‘yung 220 kids na may sakit.

“Then after that, heto na nga ang binigay niya sa akin. That time kasi, magbi-birthday siya at sabi niya, may bibilhin siya na ireregalo nga niya sa amin.

“Heto na nga itong buil­ding na ito,” kuwento ni Mother Ricky.

Nasa Child Haus Christmas party din si Tates Gana, ang “partner” ni Mayor Herbert Bautista.

Kasama niya ang panganay nila ni Bistek, si Athena na graduate na pala ng Political Sciene sa Ateneo.

Biniro ko si Athena kung wala ba siyang balak kumandidato like his father, pero wala pa raw.

Tinanong ko rin si Tates kung hindi na ba siya kakandidato, at “no” na ang sagot niya.

Nabanggit din niya sa tsikahan namin na nag-promise si Bistek sa mga anak nila (may 15-year old pa sila, si Harvey) na magka-catch-up ito sa kanila at mag-a-abroad sila.

Sabi ko, hindi pa natatakot si Tates na baka may mag-react na naman sa sinabi niya na mag-a-abroad silang mag-iina kasama si Bistek?

“Bakit? Sinasabi ko lang naman ‘yung pro­mise ni Herbert sa mga anak namin, so, wala naman akong pakialam kung may iba mang mag-react!” sabi ni Tates na as always ay very accommodating kapag tsinitsika ng entertainment press.

Bago kami naghiwalay, biniro ko pa si Tates na may pang-title na sa column ko at natawa siya!

ASAP nag-advance para sa Christmas

Ang advance Christmas episode ng ASAP Natin ‘To kahapon.

Karamihan ng mga artistang may official entry sa Metro Manila Film Festival 2018 ay naroon.

Sa December 23 kasi ang MMFF 2018 Parade, kaya tamang-tama at nakapag-Christmas episode taping na ang ASAP Natin ‘To dahil ang mga artistang may pelikula sa filmfest ay busy na sa parade sa araw na ‘yon.

Halos complete ang mga artista ng Fantastica na nag-taping kahapon para sa promotions ng kanilang pelikula.

Artista ng ASAP Natin ‘To taping ay dumeretso na ang Fantastica stars headed by Richard Gutierrez sa SM Sucat kung saan sila may mall show.

vuukle comment

HERBERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with