^

Pang Movies

Young actress ‘di mahanapan ng tamang partner

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Hindi na naman tuloy ang pelikulang pagsasamahan ng isang hot young actor at young actress na napapanood ngayon sa series. Sa mga hindi nakakaalam, may movie contract ang young actress sa producer pero ilang beses nang na-delay ang paggawa niya ng movie sa production.

Binalak siyang ipareha sa isang sikat na young actor dati. Kaso, mali ang timing kung magsasama sila sa movie. In fairness naman sa producer, nabigyan naman siya ng isang project sa film outfit.

Now comes another project at hindi na naman natuloy. Eh ang ipapareha sa kanyang young actor, sa ibang young actress nali-link ngayon. So mahihirapang ibenta ng producer ng movie ng dalawa.

Gusto man sana ng producer na ang isang young actress ang ipareha sa hot actor. Pero may hadlang dahil ang young actress, may ka-loveteam, huh!

Ngayong sa TV naka-concentrate ang unang young actress, malabo na yatang mabigyan siya ng tamang partner para mag-click sa publiko, huh! Mabait at magaling naman ang young actress pero kung laging nauudlot ang project, baka mabansagan siyang jinx, huh!

Lovi hubo’t hubad sa dalampasigan!

Parang hubad ang dating ni Lovi Poe sa latest picture niya sa Instagram na nakahiga sa buhanginan sa dagat. Pero kapag nag-zoom ang gustong maka­kita ng malapitan ang picture, may suot siyang one pice swimsuit na kulay flesh, huh!

Hindi nga masiyadong nasakyan ni Alessandra de Rossi ang caption ni Lovi na, “Underneath the palm trees you could lead your worries...Listen to the waves.”

“Please elaborate,” caption ni Alex. Dedma si Lovi sa tanong ni Alex.

Naku, may kinalaman kaya sa lovelife ang post na ito ng Primera Aktresa? Kung dati ay madalas niyang isama sa IG ang picture nila ng foreigner-boyfriend, napansin ng ilang netizens na stop na si Lovi sa lambingan moments nila ng BF, huh!

vuukle comment

PARTNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with