^

AlDub fans tinantanan ang pagiging bayolente!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 9, 2018 - 12:00am

Happy ako na para bang nawala na ang pagiging seloso ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza. Kasi now, openly nasasabi na ni Maine na friends sila ni Arjo Atayde, at type ni Alden maging partner si Bea Alonzo. Kung noon baka hindi ito matanggap ng fans, now hindi na violent ang reactions nila. Siguro nga, naisip din nila na dapat magkaroon ng growth as actors sila Maine at Alden. As loveteam sila pa rin, pero individual stars dapat may makasama rin silang iba.

 

Tingnan n’yo nga at nakikita na ngayon ang ibang talents nila at ibang glow pag ibang stars naman ang kasama. To stay long in showbiz, dapat ta­laga iba-ibang putahe, or else stagnant ka, hindi gagalaw ang career mo. Now healthy na ang pagtanggap at tingnan n’yo, phenomenal pa rin ang AlDub, hindi pa rin matatalo, maniwala kayo. 

Bossing hindi nakakaalis na walang dalang rosaryo

Ang ganda ng APT Studios, ang bagong tahanan ng Eat Bulaga sa Marcos Highway, Cainta, Rizal.

Kahit may kalayuan, dinagsa pa rin kahapon ng fans ang world-class studio ng Eat Bulaga na mas malawak kesa old Broadway studio at bonggang-bongga ang state-of-the-art facility.

At dahil bago ang bahay ng Eat Bulaga, may pasabog agad ang show dahil brand new house and lot sa Tanza, Cavite ang ibinigay kahapon sa lucky contestant na One for All, All for Juan.

Ininggit nga ni Vic Sotto sina ­Ryan Agoncillo, Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros na wala sa APT Studios dahil nasa Tanza, Ca­vite ang apat para sa Juan for All, All for Juan segment ng number one noontime show ng bansa.

Ipinakita rin kahapon sa Eat Bulaga ang video ni Bossing Vic na nagsalita tungkol sa araw-araw na pagdarasal niya ng Holy Rosary.

Marami ang nagulat dahil hindi nila expected na Marian devotee si Bossing at hindi ito umaalis ng bahay na hindi dala ang kanyang rosaryo. Pareho sila ng kanyang misis na si Pauleen Luna na walang mintis ang pagdarasal ng Holy Rosary.

Isa lamang si Bossing sa mga celebrity na nakikiisa sa project ng Catholic Church na palaganapin ang pagdarasal ng Holy Rosary.

Si AiAi delas Alas ang unang nag-yes dahil Marian devotee siya.

Nakunan na rin ng video ang mag-asawang Marian Rivera, Dingdong Dantes, Kim Chiu, Dennis Trillo, Eric Quizon at si Susan Roces.

Pumayag na rin ang ibang mga artista gaya ni Judy Ann Santos pero nakakasorpresa ang kuwento ni Bayani Agbayani na Marian devotee rin pala kaya may Maria ang pangalan ng kanyang mga anak na babae na inspired sa mga karakter ni Thalia sa mga Mexican telenovela ang names, sina Maria Thalia, Rosalinda Marie at Mary Mar.

Anne wala pa sa plano ang pagbubuntis

Hindi sinagot ni Anne Curtis sa presscon ng Aurora ang tanong tungkol sa kanyang pagbubuntis dahil sunud-sunod nga ang mga project niya ngayong 2018.

Sinabi ni Anne na very private matter ang isyu tungkol sa pagbubuntis at naintindihan naman ng entertainment writers ang pinangagalingan niya.

ALDUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with