^

Pang Movies

Free Concert nagkabatuhan ng ihi, marami ring sugatan at nahimatay!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Free Concert nagkabatuhan ng ihi, marami ring sugatan at nahimatay!

Grabe pala ang nangyari sa sana’y free concert ng Coca Cola the other night sa MOA Concert Grounds.

 

Nagkabatuhan daw ng mga ihi na nilagay sa bote ng coca-cola.

Yup, as in pag nakita mo nga sa video na nagkalat sa social media, sobra ang pagi­ging unruly ng fans na dumagsa sa nasabing pa-concert ng sikat na brand ng softdrinks.

Bago raw naganap ang batuhan ay nagkaroon na ng tulakan at talagang naging wild ang maraming fans.

Ayon sa lumabas na reports kahapon, mahigit 20,000 ang dumagsa sa Concert Grounds ng MOA Arena kaya hindi na itinuloy ang nasabing concert.

Kasama sa sana’y magpe-perform sa free concert sina Apl.de.ap, Moira dela Torre, Khalil Ramos, Quest, IV of Spades, Ben & Ben, and December Avenue.

Ang balita pa, halos 100 ang nahimatay, nasaktan at nasugatan sa nasabing kaguluhan.

Ang balita, next year na itutuloy ang nasabing free concert.

COCA COLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with