Kisses gustong maka-bonding si Marian
Nitz Miralles (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang wish ni Kisses Delavin na sana sa susunod na may bonding ang cast ng Fantastica, kasama na nila si Marian Rivera. Pinost kasi ni Dingdong Dantes ang pagkakape nila nina Vice Ganda, Richard Gutierrez at ang iba pang cast ng MMFF entry after ng presscon at ang reaction ni Kisses sa nabanggit ni Dingdong na maulit ang bonding nila ay sinagot ni Kisses ng “Me too po! Sana with ate Yan next time!”

 

Aminado si Kisses na fan siya ni Marian at tuwang-tuwa ito nang makilala ang aktres at ma-meet sa ibang okasyon. Kung sasama ang misis ni Dingdong sa premiere night ng Fantastica, magkikita uli sila ni Marian na may cameo sa nabanggit na pelikula.

Bianca umiwas magka-picture sa birthday ni Ruru

Walang nakitang litrato ni Bianca Umali sa nakaraang birthday party ni Ruru Madrid. Inakala tuloy ng fans ng dalawa na wala sa party ang aktres. Pero ang tsika, nasa party si Bianca, hindi lang umeksena at umiwas sila ni Ruru na makunan ng picture na magkasama.

Pero sa relatives si Ruru, may litrato raw si Bianca and in fairness, walang nag-a-upload sa kanila. Nakiusap siguro si Ruru na ‘wag magpo-post ng photos  sa party niya para hindi ito ma-bash.

Dito ka naman bibilib kay Gabbi Garcia, hindi ito takot ma-bash at nagpo-post ng pictures nila ng boyfriend na si Khalil Ramos. In fact, sa nagdaang birthday ni Gabbi, sa birthday treat sa kanya ng kanyang pamilya, kasama nila si Khalil.

Anyway, akala namin, pagtatambalin na ng GMA-7 sina Bianca at Ruru, pero hindi pa rin nangyari dahil ang susunod na soap ni Bianca, sila pa rin ni Miguel ang magkapareha. Ayaw pa ng GMA-7 na buwagin ang kanilang tambalan, lalo’t may pelikula silang lalabas next year.

Si Ruru naman, ibabalik ang tambalan nila ni Kylie Padilla sa political-romantic comedy na TODA One I Love na produced ng GMA Public Affairs. No further details na inilabas an network sa project na ito.

Alfred may ipapangalan na sa anak na lalaki

Baby boy ang third baby nina Cong. Alfred Vargas at ng asawa nitong si Yasmine Vargas at noong isang araw, nagkaroon ng baby sprinkle sina Alfred at Yasmine.

Sa post ni Yasmine ay pinasalamatan din niya ang mom niya for giving them the perfect baby sprinkle na mas intimate sa baby shower.

Kyline pinayagang magliwaliw sa SG

Time out muna sa trabaho si Kyline Alcantara dahil this Friday, lilipad siya pa-Singapore para dumalo sa Asian Academy Creative Awards na mamayang gabi rin yata ang awards night. Si Kyline ang national winner ng bansa sa Best Actress in a Supporting Role sa labas niya sa Kambal Karibal.

Masaya si Kyline sa first international nomination niya at mas sasaya pa ang young actress kung siya ang mananalo lalo’t older at mas matagal na sa industry ang makakalaban niya from different Asian countries.

Excited din si Kyline dahil first trip niya ito sa ibang bansa at natuwa dahil pinayagan ng GMA Network at GMA Artist Center na sa December 9 na siya bumalik ng Pilipinas. May time makapamasyal, mag-shopping at mag-tour sa Universal Studios si Kyline.

Pagbalik naman niya, balik-trabaho siya sa Sunday Pinasaya at Studio 7 at malapit na rin yatang mag-taping sa Afternoon Prime na Inagaw Na Bituin.    

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with