Bong hahatulan na!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

Bago ang lahat, ang aming prayers para kay former Senator Bong Revilla na ngayong umaga ay babasahan na ng hatol sa graft cases na isinampa ng Sandiganbayan sa kanya four years ago. Dasal namin na maging favorable sa kanya ang desisyon sa kaso niya at maging regalo na sa kanyang pamilya sa darating na Pasko.

 

Maine most tweeted Filipino celeb

Naglabas ang Twitter Philippines na for three years, hindi pa rin natitinag si phenomenal star Maine Mendoza at ang AlDub (Alden Richards and Yaya Dub) loveteam na number one sa Twitter.

“Filipinos love to stay informed as much as they love to talk about their favorites and latest gossips.  No wonder why the Filipino favorite, @mainedcm clinched the highest place once again in the most Tweeted about Filipino celebrities.

“It’s been 3 years since #AlDubEBTamang Panahon made global history by garnering 41 million tweets in just one day.  Today, AlDub fans celebrate the third anniversary of Tamang Panahon by sending their love on Twitter using #AlDubTP3 Years.”

“AlDub keeps the spot as most tweeted love team! - @TwitterPH

Hanggang sa ngayon, wala pa ring nakakatalo sa AlDub phenomenon on Twitter.

Guesting ng mga big star sa MMFF walang TF

Uso ang paggi-guest ng mga artista sa mga movies kaya hindi kataka-taka na this coming 2018 Metro Manila Film Festival ay mara­ming nasusulat na may mga guests stars sa kani-kanilang entry. Isa na nga rito ang ang The Girl In The Orange Dress na pinagbibidahan for the first time nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola.

Sa mediacon ng movie, natanong namin ang producer na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films kung sinu-sino ang mga guests nila sa kanilang MMFF entry.

Ang mag-sweetheart na sina Derek Ramsay at Joanne Villablanca ay ikinasal sa movie, at nag-gate crash doon sina Jericho at Jessy. First time raw iyon ni Joanne kaya ninerbyos daw ito sa shooting. Naroon din si Maxene Magalona at paboritong artista ng Quantum na si Jennylyn Mercado at gumanap siya as herself, isa ring artista, makakasama niya sina Jericho at Jessy. Ang nakakatuwa ay si Luis Manzano na siya pa ang nag-isip kung ano ang role na gagampanan niya sa movie ng girlfriend na si Jessy. Ito raw ang nakaisip na magwi-waiter siya sa wedding reception. Ang maganda, libre ang guestings nila, hindi sila nagpabayad.

Mapapanood na simula sa December 25, in cinemas nationwide ang The Girl In The Orange Dress na produced din ng Star Ci­nema at MJM Productions.

Role ni Marian sa Fantastica ayaw pang ibuking

Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay special guest din sa movie ng asawang si Dingdong Dantes na Fantastica para sa 2018 MMFF movie.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with