Mga pelikulang hindi kumita pasok sa listahan ng most talked sa social media!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

May mahigit pang tatlong linggo bago matapos ang 2018, pero mukhang mabilis na lumabas ang mga statistic sa showbiz sa taong ito. Sina­sabi na nilang ang pinaka malaking pelikula ng 2018 ay ang The Hows Of Us ng KathNiel. Normally, sa ganitong panahon ay wala pang ganyan, dahil hinihintay pa ang resulta ng Metro Manila Film Festival 2018 kung saan kadalasan ay lumilitaw ang highest grossing film of the year. Pero ang pelikula ng KathNiel, palagay namin mahirap nang talunin ng kahit na anong pelikula sa festival. Base sa records, ang pinaka malaking gross sa festival ay umabot lamang ng 400 milyon, o kalahati lang nang kinita ng pelikula ni KathNiel.

 

Naglabas na rin ng records ang isang social media platform, at sinasabi nga nilang “most talked about film” ay ang KathNiel movie. Pero nakakatuwa na kabilang sa kanilang listahan ang mga pelikulang hindi kumita. Ibig sabihin, ang isang pelikula ay maaaring pinag-uusapan nang husto sa social media, pero hindi nangangahulugang kumita. Bale wala rin ang social media. Maliwanag na ang social media ay nakakalikha ng awareness, pero hindi sapat para kumbinsihin ang audience na panoorin ang pelikula.

Sinasabi rin nila na sa taong ito, pinaka sikat na teleserye character si Cardo Dali­say, at natural ang highest rating television series ay FPJ’s Ang Probinsyano. Si­guro nga nakatulong din naman nang malaki na dala nila ang pangalan ni FPJ, pero ang kuwento malayo na sa orihinal na ginawa ni FPJ. Iyong Probinsyano sa ngayon ay masasabing “Cocong-coco” na. At saka si Coco Martin ay hindi lamang creative consultant ng serye, isa pa siya sa mga director noon.

Ang “most talked about TV show” rin ayon sa isang social media platform ay ang Probinsyano.

Jessy naging nega na naman

Bakit naman kasi inungkat pa ni Jessy Mendiola ang naging controversy nila noong araw ni Enrique Gil? Matagal na rin naman kasi iyon. Umamin na rin naman si Enrique na nagkamali siya. Ewan kung ta­laga bang wala nang mahahalungkat sa buhay ni Jessy na mapag-uusapan kaya inungkat na naman niya si Enrique.

Ang mali, hindi niya naisip na noong una, nakuha niya ang simpatiya ng tao sa kuwentong iyon, pero pagkatapos mas sumikat na si Enrique, at natural mas marami nang followers kaysa sa kanya. Kaya ang ending siya pa ang naba-bash ngayon at sinasabing ginagamit si Enrique para may mapag-usapan lang dahil may ipapalabas siyang pelikula.

Ang tanong, kikita ba ang pelikula niya sa ganoong klaseng publisidad? Baka mas lalo siyang maging nega at mabatak pang pababa ang kanyang pelikula.

Gay TV host nahuhumaling sa menor de edad!

Nakitang kasama sa isang beach resort ang isang gay TV host at ang isang minor looking model na isa ring cosplayer. Pero hindi na raw menor de edad ang lalaki, kaya lang, ang laki ng agwat ng edad nila ng kasama niyang gay TV host.

 

 

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with